Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan tayo ay may sariling dayalektong ginagamit sa loob ng ating tahanan.
Pagtungtong naman natin sa paaralan ay may mga wikang tinturo ang ating mga guro tulad na lamang ng Ingles. Mga wikang natutunan at nadedebelop nating gamitin sa pakikipag-usap natin sa ating mga kaeskwela at mga guro.
Mga Halimbawa ng Bilinggwalismo
Sa asignatura ng mga primarya at sekondaryang Antas ng mga mag- aaral, isinabatas ng gobyerno ang paggamit ng Billingwal na Patakaran ng Edukasyon o ang BPE. Ingles at Pilipino ang pangunahing wika na ginagamit, ngunit may mga bago na ring kurikulum na kung saan ang mga texto ng mgaaklat at iba pang uri ng babasahin ay nilimbag na gamit ang bilinggwalismo na uri ng wika.
Ang Multilinggwalismo ay Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maraming salita o wika”.
Ang wikang Pilipino ay binubuo ng maraming wika. Mula sa ating wikang pambansang gamit, may mga nabuo pang salita hango sa ating mga kasalong wika.
Mga Halimbawa ng Multilinggwalismo
Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga Pampanga, Tarlac at Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng Pangasinan at Nueva Ecija.
Nabibilang din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula sa mga dayuhang mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at Mandarin naman sa mga kapatid na Tsino.
SANA MAKATULONG:)
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa mas marami pang impormasyon at kasagutan.