Si Pilandok ay naging sultan sapagkat nilinlang niya ang
totoong Sultan.
Sinabi niyang mayroong kaharian sa gitna ng dagat at
maraming kayamanan. Kung kaya naman
ninais ng totoong sultan na makita rin ang ilalim ng dagat.
Sinabihan ni Pilandok ang Sultan na walang mamumuno habang
ito ay nasa ilalim ng dagat kung kaya naman sinabi ng sultan na siya muna ang
pansamantalang mamumuno.
Ngunit di doon natapos ang panlilinlang niya sa tunay
na sultan. Sinabi niyang dapat ay walang makaalam bukod sa kanilang dalawa ang
tungkol sa kaharian sa ilalim ng dagat kung kaya iniwan ng tunay na Sultan ang korona at mga katibayan kay Pilandok.
Nang nasa hawla na ang tunay na sultan, kaaagad itong
lumubog at namatay ang sultan. Simula noon ay si Pilandok na ang nagging sultan.