Kahulugan ng Matarok
Ang salitang matarok ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na tarok. Ang kahulugan ng matarok ay ang mga sumusunod:
- malaman
- maintindihan
- maunawaan
- mabatid
- matanto
- maisip
Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang Salitang "Matarok"
- Nahihirapan akong matarok ang mensahe ng pelikula.
- Nais ko na iyong matarok ang aking tunay na nararamdaman sa iyo.
- Malalalim ang salita na kanyang ginamit sa talumpati kaya hindi ko matarok ang ilan sa kanyang mga sinabi.
- Kailangan niyong matarok ang opinyon ng bawat isa para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.
- Huli na nang matarok niya ang ginagawang pagtataksil ng kanyang asawa.
Para sa kahulugan ng iba pang Tagalog na salita, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/2752020
#BetterWithBrainly