Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Sumali sa aming Q&A platform upang makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan at mapalawak ang iyong kaalaman. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.
Sagot :
Ang mga sagot sa katanungan na “ano ang kahulugan ng mga salitang umimbulog, nakatingas, tinigpas, sumimbad, ipinukol, at gusi” ay ang mga sumusunod: (para sa dagdag kaalaman tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng “kasingkahulugan” tumungo rito: https://brainly.ph/question/985910)
Umiimbulog
Ang salitang ito ay nagmula sa salitang ugat na imbulog. May dalawang kahulugan ang salitang ito batay sa gamit. Unang kahulugan ay lumilipad paitaas. Pangalawa, kumakalat o nagiging matunog.
Halimbawa:
1. Umiimulog na ang eroplano nang siya ay nakarating sa airport. – Lumilipad paitaas
2. Umimbolog ang pangalan ni Kian dahil sa pagkakapatay rito ng mga pulis. - Kumakalat
Nakatingas
Nakatingas o nakatinghas ibig sabihin ng salitang ito ay nakatindig o nakatayo.
Halimbawa: Nakakatingas ng balahibo ang pelikulang The Ring.
Tinigpas
Ang salitang ito ay nangangahulugang pinutol o tinanggal. Ang iba pang kasingkahulugan ng tinagpas ay biniyak.
Halimbawa: Tinigpas ni itay ang puno ng mangga.
Sumibad
Ang salitang ito ay nangangahulugang umalis ng palihim.
Halimbawa: Nang naging abala na ang mga tao sa bagong bisita, siya ay sumibad na.
Ipinukol
Ang salitang ito ay galing sa salitang ugat na pukol. Ito ay nangangahulugang ibinato.
Halimbawa: Sa galit niya, ipinukol niya ang hawak niyang bato sa lawa.
Gusi
Ang gusi ang tumutukoy sa mga malalaking banga.
Halimbawa: Anak, parito ka at punuin mo ng tubig ang ating gusi.
Para sa iba pang mga sagot para sa mga salitang nasa itaas, pumunto lamang sa link na ito: https://brainly.ph/question/127453.
Ang mga salitang nabanggit sa itaas ay pawang mga halimbawa ng mga salitang nanggaling sa diyalekong Tagalog. Ilan pa sa mga salitang maaaring maisalin mula sa isang salita patungo sa Tagalog o sa Filipino ay ang makikita sa mga link na ito: https://brainly.ph/question/937334.
Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.