Mga Matalinghagang Salita at Kahulugan Nito
Ang mga matalinghagang salita ay mga pahayag na may malalim na kahulugan. Ang kahulugan nito ay hindi literal o hindi tiyak na kahulugan ng mga salita. Narito ang ilang halimbawa at kahulugan ng mga ito:
- balitang kutsero - hindi totoo
- bugtong na anak - kaisa isang anak
- ilista sa tubig - kalimutan na
- lakad-pagong - mabagal
- agaw-buhay - malapit ng mamatay
- luha ng buwaya - hindi totoong pag-iyak
- ahas-bahay - hindi mabuting kasambahay
- anak-dalita - mahirap lamang
- basa ang papel - sira na ang imahe
- kumukulo ang dugo - naiinis o naaasar
- butas ang bulsa - walang pera
- hawak sa ilong - sunud-sunuran
- naniningalang pugad - nanliligaw
- kautotang dila - kakwentuhan
- itim na tupa - suwail na anak
- matigas pa sa riles - kuripot
- mang-oonse - madaya
Para sa iba pang halimbawa ng matalinghagang salita, alamin sa link:
brainly.ph/question/2522434
#BetterWithBrainly