Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Sumali sa aming platform upang makakuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ano ang dahilan ng pananakop ng england sa china?

Sagot :

  Ang pinakamotibo ng pananakop ng England sa China ay dahil sa mga likas na yaman na mayroon ang China gaya ng tyaa, sutla at porselana. Subalit ang England ay naubusan na ng pangkalakal na pilak kung kaya’t ginamit nila ang opium na kapalit ng mga ito. Ngunit ang paglaganap nito noong taong 1790 hanggang 1832 ay nagdulot sa mga tsino ng labis na adikson at kawalang-tatag ng lipunan. Ang gobyerno ng Qing ay nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa mga mangangalakal ng England na nagtapos sa mas kilalang Opium war.

Further explanation

  Nag-ugat ang digmaan nang sunugin ni Lin Zexu, isang opisyal ng gobyernong Qing, ang mahigit 1,200 milyong kilo na opium na kanilang nakumpiska noong 1839. Ito ay labis na ikinagalit ng mga taga-England at naganap ang kauna-unahang Opium war sa pagitan ng Imperyong Qing laban sa  England at mga  kasapi nitong France, United States at Russia na nagtagal ng apat na taon sa pagitan ng 1839 at 1842. Di naglaon ay natalo ang Imperyong Qing at nauwi sa paglagda sa Kasunduan sa Nanjing (Treaty of Nanjing).

Mga nilalaman ng Kasunduan sa Nanjing

  1. Pandaigdigang kalakalan – ang England ay nagkaroon ng karapatan makapagkalakal sa Tsina gamit ang karagdagang apat na daungan sa Canton kabilang ang mga daungan ng Amoy, Foochowhoo, Ningpo at Shanghai. Naglalayon din ito na wakasan ang monopoly ng Cohong at ng kanyang labing tatlong pabrika sa Canton.
  2. Reparasyon at demobilisasyon – ang Imperyo ng Qing ay naatasang magbayad ng 6 milyong silver dollar na nakumpiska at sinunog ni Lin Zexu noong taong 1839, karagdagang 3 milyon para sa kabayaran ng mga utang ng mga mangangalakal ng Hong sa Canton sa mga taga England at karagdagan pang 12 milyon para sa reparasyon ng digmaan na babayaraan ng Imperyo ng Qing ng hulugan sa loob ng tatlong taon at may kaakibat na limang pursyentong  interes kada taon. Kapalit nito ay lilisanin ng mga military ng England ang Nanjing at kasiguraduhan sa pangangalakal at pag-iwas ng mga ito sa panggugulo.
  3. Pagbibigay sa Hongkong – ang Hongkong ay magiging teritoryo ng England upang magsilbing daungan ng mga barko nito. Ito ang magiging lugar kung saan aayusin at pananatilihin ang magagandang takbo ng mga barkong pangkalakal.

Learn more

  1. Ano ang Opium war?: https://brainly.ph/question/2016473
  2. Paraan bakit sinakop ang england ang china?: https://brainly.ph/question/1283274