Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

mga bahagi ng pahayagan

Sagot :

Mga Bahagi o Pahina ng Pahayagan

Pangmukhang Pahina – makikita rito ang pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahin o mahahalagang balita.

Balitang Pandaigdig – mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Balitang Panlalawigan – mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.

Pangulong Tudling/ Editoryal – sa pahinang ito mababasa ang kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.

Balitang Komersyo – dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo.  

Anunsyo Klasipikado – makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili.

Obitwaryo – ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

Libangan – ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga krosword, komiks, athoroscope.

Lifestyle – mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

Isports – naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.

Message me for more Info.TY:))