Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Tuklasin ang detalyadong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

Ano ang bansang kaalyado ng France at Russia noong World War 1?

Sagot :

  Ang Allied Powers ay ang koalisyon na binubuo ng mga bansang France, Russia, British Empire, Russia, Serbia, Japan, Italy, Estados Unidos, China at marami pang iba. Sila ay ang alyansang katunggali ng Central Power na binubuo ng mga bansang Germany, Austria-Hungary at Bulgaria noong Unang Digmaang Pandaigig. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong July 28, 1914 at nagtapos noong November 11, 1918 at tinatayang pinaka malaki at pinaka madugong digmaan hanggang sa panahong kasalukuyan. Nagtala ito ng 70 milyong militar na nakipaglaban na nag resulta sa pagkamatay ng 9 milyong militar at 7 milyong sibilyan.

Further explanation

Bilang ng mga pangunahing pwersang militar ng Allied Power

  • Russia                               12,000,000
  • British Empire                     8,689,000
  • France                                 8,410,000
  • United Kingdom                  6,211,922
  • Italy                                      5,615,000
  • United States of America   4,355,000
  • India                                      1,440,437
  • Japan                                     800,000
  • Serbia                                      707,343
  • Canada                                   628,964
  • Australia                                   412,953
  • Belgium                                   267,000
  • at marami pang iba

Pagkapanalo ng Allied Powers kontra Central Powers

Tinatayang ang pagkapanalo ng Allied Powers ay dahil sa tatlong pangunahing mga dahilan.  

  1. Ang kawalan ng suplay ng pagkain ng mga taga-Germany sapagkat napipigilan ang pag angkat ng mga ito dahil sa lawak ng pwersang pandagat na nakapaligid sa kanila.  
  2. Ang pagdedeklara ng Estados Unidos na makipagdigma sa Germany sa kadahilanang pag labag nito sa kasunduan sa pagprotekta sa mga barkong pangkalakal ng mga neutral na bansa na nagresulta sa pagkasira at pagkalubog ng mga barkong ito. Ang Germany ay tuluyang nagpasya na sirain ang anumang sasakyang pangdagat na maglalayag sa kanilang teritoryo ng walang abiso na tuluyang ikinagalit ng Estados Unidos. Abril 6, 1917 nang sumali ang Estados Unidos sa digmaan na may lulan na 4,355,000 Amerikanong militar.
  3. Ang huli ay ang paglaganap ng Spanish Flu na tuluyang nagpahina sa pwersang militar ng Germany at tuluyang pagkawala ng pagasa para ipanalo ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Flu ay mas nakamamatay sa edad na 20 hanggang 40 na siyang mga gulang ng mga German militar. Ito rin ang tinatayang pinakamapinsalang sakit na naitala sa historya ng mundo. Tumama ito noong panahong 1918 hanggang 1919. Taon sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Learn more

  1. Mga bansang kasapi ng allied power: brainly.ph/question/947288
  2. Ano ang Central Powers: brainly.ph/question/506476
  3. Buod ng unang digmaang pandaigdig: brainly.ph/question/1021133