Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Ano ang
pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kabuhayan?
Sagot: TAO
Ano ang pinakamalaking kontinente sa
mundo? Asya diba?
Sagot: TAMA! ASYA ang pinakamalaking kontinente sa mundo.
Ano ang pag-aaral sa katangiang pisikal
ng mundo?
Sagot: HEOGRAPIYA
Ano ang bigkis
o tulungan para sa kapwa kapakinabangan?
Sagot: UGNAYAN
***************************************************
Ano ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kabuhayan?
Sagot: TAO
Ang lahat ng nasa paligid ay ang mga puhunang nililinang ng tao para kanilang matugunan
ang mga pangangailangan at ang kanilang mga kagustuhan. Kung kaya’t ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para
sa kanyang kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan ay tayo, ang mga nilalang
na tao.
Para sa mga tao ay nakaiimpluwensya ang kanilang tinitirhang kapaligiran sa
kanilang kaugalian, kabihasnan, kultura, mga tradisyon at paniniwala.
Bukod sa pagiging pinakapangunahing lugar bilang panirahan,
ang mga nakukuhang likas mula sa mga anyong lupa ay nakapagdudulot din ng
malaking impluwensya sa kanilang pamumuhay.
(Tingnan ang iba pang sagot sa parehas na katanungan dito: https://brainly.ph/question/12660 at dito: https://brainly.ph/question/119400)
***************************************************
Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo? Asya diba?
Sagot: TAMA! ASYA ang
pinakamalaking kontinente sa mundo.
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente na sumasaklaw sa humigit-kumulang na
1/3 ng daigdig. Ito ay may sukat na 49 milyong milya kuwadrado. Ang
hangganang naghahati sa kontinenteng Africa at kontinenteng Asya ay
ang nagpalawig ng kalakalan sa mundo, ang Suez Canal. Berlin Strait naman ang hangganan sa pagitan
ng Hilagang Amerika at ng Asya. Sa hilaga ng Asya ay Karagatang
Artiko (Arctic Ocean) at ang sa timog naman nito ay ang Karagatang
Indian. Ang pinakamalaking karagatan sa daigdig na Karagatang Pasipiko (Pacific
Ocean) ang nasa silangan naman ng Asya.
(Tingnan ang mas marami pang detalye ukol sa Asya sa
link na ito: https://brainly.ph/question/9030)
***************************************************
Ano ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo?
Sagot: HEOGRAPIYA
Ang heograpiya ay isang sistematikong pag-aaral o organisadong
agham ng mga lokasyon ng daigdig. Tinatalakay
dito ang distribusyon ng mga likas na yaman ng anyong lupa at anyong tubig pati
na rin ang pagsusuri tungkol sa mga tao sa mga lugar sa ibabaw ng mundo.
Ito rin ay pag-aaral hindi lamang ukol sa mga lugar kundi pati sa lipunan sa
mundo kasama ang relasyon ng kalikasan sa tao.
Ang heograpiya ay galing sa salitang Griyego na "GEO"
na ibig sabihin ay "mundo". Ang grapiya ay maaaring hinuha mula
sa salitang "GRAPIHEN" na nangangahulugan namang "paglalarawan".
Sa pangkalahatan o kabuuan, ito ay pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig.
At kasama sa pinag-aaralan dito ay ang mga paniniwalang pinagmulan ng daigdig.
(Tingnan ang link na ito upang mas maraming
matuklasan: Bakit mahalagang pag-aralan
ang heograpiya ng daigdig? - https://brainly.ph/question/122606)
***************************************************
Ano ang bigkis o tulungan para sa kapwa
kapakinabangan?
Sagot: UGNAYAN
Ang ugnayan o pakikipag-ugnayan sa ibang nilalang lalo na sa tao ay tinatawag
ding “pakikipagkapwa-tao”. Ito ay ang nagsisilbing koneksyon ng tao sa tao o ng
buhay sa buhay. Ito pati ay koneksyon ng mga tao at sa kanyang lipunan. Ang
halaga nitong ugnayan sa ating buhay ay may napakalaking parte sa ating aspetong
sosyal ng buhay. Wika ang isa sa mga pamamaraan ng pakikipag-ugnayan. Kung
tutuusin, wika ang siyang pinakamatibay, berbal o pasalita man o sa pagsusulat. Sa pakikipag-ugnayan, natutulak ang mga tao o
indibidwal na rumespeto sa bawat isa bilang ang lahat naman ng tao ay may dignidad
at damdamin.
(Basahin! May kaugnayan: Paano ka nakikipag ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo o sa iyong kapwa? - https://brainly.ph/question/1045205)
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.