Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming Q&A platform at kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

Paano nagkakaiba ang pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng mga asyano?
ano ang kaugnayan ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa pag usbong ng damdaming nasyonalismo sa asya?
Bakit mahalaga ang pakikibaka par sa ikabubuti ng kapwa at ng bansa?

I badly need your help, guys. Please do help me :( I'm begging.
/crossfingers/

Can you help me make an essay out of these questions? :(

P.S sana yung hindi po kagaya kay Apple White. Schoolmate ko po siya ^^v

Sagot :

⇒ Dahil sa kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin, umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano. Ang kolonyalismo ay ang pagsasakop ng mga Kanluranin sa isang bansa o kolonya upang bigyan ng interes ang mga likas na yaman na matatagpuan dito. Ang imperyalismo naman ay ang pagsasakop ng isang bansa upang lumawak ang kapangyarihan ng mga mananakop. Sumakop ang mga Kanluranin ng mga bansa sa Asya dahil gusto nilang pagbigyan pansin ang kolonyalismo at imperyalismo at dahil doon, gumawa sila ng mga paraan para masakop tayo. Kung kinakailangan ay gumagamit sila ng dahas o kaharasan para lang maipatupad ng mga ito. At dahil hindi natin nagustuhan o dahil hindi naging makatarungan para sa atin ang ginawa ng mga Kanluranin, umusbong ang damdaming nasyonalismo natin para lang sa ating kalayaan at katarungan.

⇒ Nagkakaiba ang pagpapamalas o pagpapakita ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano. Mayroong dalawang paraan kung paano naipakita ng mga Asyano ang nasyonalismo nang masakop tayo ng mga Kanluranin. Una ay ang paggamit ng mapayapang paraan. Ang mapayapang paraan ay pinamunuan ni Jose Riza na kung saan ipinatupad niya ang kilusang Propaganda. Ang pangalawa naman ay ang himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio. Nakipaglaban ang kanilang pangkat upang makamit ang kalayaan at kasarinlan ng ating bansa. Magkaiba man ng pamamaraan, pareho ang nais ng mga nasyonalistang Asyano at ito ay makamtam ang malayang pamumuhay ng mga mamamayan.

⇒ Mahalaga ang pakikibaka o ang pagtutulungan ng mga mamamayan sa isang bansa. Kung mayroong pagkakaisa ang mga mamamayan, uunlad ang bansang kanilang kinabibilangan. Sa isang bansa, sila ang magkakakampi kaya nararapat lang na magkaisa sila upang maipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang bansa. Kung tayong mga Pilipino ay gustong mapabuti at mapaunlad ang bansang Pilipinas, kailangan lang nating magkaisa. Paano na lang natin mapoprotektahan at mapapabuti ang ating bansa kung tayong mga mamamayan ay nagkakaaway na?