Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga propesyonal. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

halimbawa ng maikling talata na may impormatbong layunin

Sagot :

ncz
Kapag  sinabi nating impormatibo (informative sa Ingles), nangangahulugan na ito ay dapat magbigay ng paliwanag na totoo at malinaw, hindi gawa-gawa, at walang kinikilingang opinyon.

Sumulat ako dati ng isang sanaysay at narito ang isang talata na ang layunin ay magbigay ng impormasyon ukol sa isang paksa. Ang napili kong paksa ay tungkol sa bisexuality:


Isa sa mga pinakapaborito kong pinag-uusapan ay ang paniniwala ng mga ninuno o sinaunang mga tao na konektado sa sekswalidad at papel sa lipunan ng mga indibidwal. Pinakamangha ako sa natutunan ko tungkol sa mga Native Americans. Alam mo ba na mas mulat pa sila kaysa sa ating mga maka-modernong nilalang patungkol sa kasarian nating mga tao? Naniniwala sila na may mga espirito ang bawat nilalang na may tatlo hanggang limang gender roles: female, male, two-spirit female, two-spirit male at transgendered. Ang mga tribo ay may kani-kaniyang ngalan para sa mga gender roles pero ang ginawang universal na termino ng mga Navajo sa mga Two-Spirits ay Nádleehí. Ang mga nilalang na may dalawang espirito ay nakatatanggap ng mas mataas na respeto at pinaniniwalaang maswerte sa pamilya at tribo.  Nakikita raw kasi nila ang mundo sa perspektibo ng lalaki at ng babae. Ang katangian na ito ay pinagpala mismo ng Manlilikha o „The Creator‟. Traditionally, hindi nakikialam ang mga magulang sa gender role ng mga anak nila kaya nakasuot sila ng gender-neutral na pananamit hanggang sa mapagpasyahan ng mga bata ang kanilang obligasyon sa tribo. At ito ay may kasamang seremonya! Isipin mo, magco-come out akong two-spirits at may magaganap pang piging dahil na-discover ko na ang dapat kong ganap sa lipunan?! Minsan naisip ko na sana ay pwede kong piliin ang way of living na ito lalo na noong sunod kong napagtanto na ang mga Indians o Native Americans ay walang nakatalagang moral gradient para sa pag-ibig at pagtatalik. Ang mahalaga sa kanilang mga tribo ay ang ambag sa lipunan at pagkatao ng isang nilalang. Bilang pagbabalik-tanaw sa mga natutunan kong ito ay sinanggunian kong muli ang internet at sa panahon ngayon na maraming fake news, sa mismong mapagkakatiwalaang source ko ito kinuha, sa online newsletter mismo ng mga Native Americans na Indian Country Today.


Marami pang impormasyon sa  Impormatibong sanaysay - https://brainly.ph/question/550966
Salamat sa pagtitiwala sa amin sa iyong mga katanungan. Narito kami upang tulungan kang makahanap ng tumpak na mga sagot nang mabilis at mahusay. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.