Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Ano ang sampung karapatan ng mga bata?

Sagot :

Ang Sampung karapatan ng mga bata  

  1. Karapatan ng bawat kabataan na maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
  2. Karapatan ng bawat kabataan na magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga sa kanila.
  3. Karapatan ng bawat kabataan na manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
  4. Karapatan ng bawat kabataan na magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at akitibong pangangatawan.
  5. Karapatan ng mga kabataan na mabigyan sila ng sapat na edukasyon.
  6. Karapatan ng mga kabataan na maunlad ang kanilang kakayahan.
  7. Karapatan ng mga kabataan na mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang  
  8. Karapatan ng mga kabataan na mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan.
  9. Karapatan ng mga kabataan na maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
  10. Karapatan ng mga kabataan na makapagpahayag ng kanilang sariling pananaw.  

Sino ang may tungkulin upang ibigay sa mga kabataan ang kanilang mga karapatan

Bilang mga magulang o tumatayong magulang ng bawat kabataan tungkulin natin o responsibilidad natin na ibigay ang mga karapatan ng bawat kabataan, kailangan nating iparanas sa kanilang lahat ng ito bilang kabataan responsibilidad natin silang matatanda, ang bawat kabataan na nakaranasa o naibigay ang mga karapatan nila ay di malayong ibigay at iparanas din nila ito sa kanilang mga magiging anak.

Mga pang aabusong dinadanas ng mga kabataan at nalalabag ang kanilang mga karapatan.

  • Child labor

imbis na nag aaral ang isang bata ay nasasabak na ito sa pagtatrabaho, upang tumulong sa pamilya sa pagbili ng mga pangunahing bilihin sa kanilang tahanan kung minsan panga sa mura nilang gulang ay sila na ang nagsisilbing nagging ama o ina sa kanilang mga kapatid nalalabag ang kanilang mga karapatang makapag aral at makapaglaro.

  • Pisikal na pang aabuso

ang ilan sa mga kabataan ay nakararanas nito mula,nakalulungkot dahil sa kabila ng kanilang murang katawan ay nakararanas na sila ng ganitong kalagayan.

  • Pagpapabaya

marami sa mga kabataan ay nakararanas ng pagpapabaya iniiwan o inaabanduna ng kanilang mga magulang nakararanas ng labis na pagkagutom, pagkakasakit at kawalan ng tirahang masisilungan kung kaya tang ilan sa kanila ay natututong mang limos at matulog sa lansangan.

  • Ang sekswal na pang aabuso

nararanasan ito ng mga kabataang kababaihan maging ng mga kalalakihan,  

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Ang modelong kabataan https://brainly.ph/question/548733

https://brainly.ph/question/409735

Essay ng huwarang kabataan https://brainly.ph/question/149754