Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kaniya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at siku
na sa pag-aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig.
Isang gabi silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang
ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay inaantok at pagod na sa pagbasa ng librong kaniyang pinag-
aaralan. Kaya ang ina naman ang bumasa at si Rizal ay nakinig na lamang. Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod
sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti sa mga gamugamo na naglalaro sa ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at
napansin ng ina na hindi na ito nakikinig. Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa
1yo ang isang mariki na kuwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang "kuwento," dumilat ang
kaniyang mga mata at tumingin sa ina. Dagling nawala ang kaniyang antok. Pinagmasdan niya ang kaniyang Ina
habang binubuksang isa-isa ang mga dahon ng libro sa paghanap ng kuwentong babasahin. Maya-maya'y nagsimula
ang Inang pagbasa. Mayroon daw dalawang gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro sa tabi
ng ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad nang lubhang malapit sa ningas ng kandila. "Mag-
ingat ka!" ang tawag ng matandang gamugamo, "Baka masunog ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad.""Hindi ako
natatakot," ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy siya ng paglipad sa paligid-ligid ng
magandang ningas. Minsan, sa kaniyang paglipad ay nadikit sa ningas ang kaniyang pakpak at siya ay nalaglag sa
mesa. "Sinabi ko na nga ba sa iyo," ang sabi ng matandang gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na makalilipad na muli.
Samantalang nakikinig si Rizal sa kuwento nalilibang naman siya sa maliliit na gamugamong naglalaro sa
kanilang ilaw. Napansin niya ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag
kahit mapanganib. At nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamugamo sa kuwento ay siya ring
pagkasunog ng pakpak at pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy.Dahil sa pagkalibang sa mga
gamugamo hindi na niya napansing tapos na sa pagbasa ang kanyang ina. Isa mahalagang bagay ang kaniyang
natutuhan. Isang dakilang aral ang kaniyang nakuha sa mga gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding
magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina. At ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay sa paghanap
ng liwanag. Nang sila ay matutulog na nang gabing iyon, sinabi ng Ina kay Rizal, "Huwag mong paparisan ang ginawa
ng batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak."Ang pangyayaring ito at namalagi
sa alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At sa wakas ay nakita nating siya ay nagpakamatay sa paghanap ng ilaw
at liwanag para sa kaniyang bayan.
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasa. ( Ang pagsagot sa mga katanungan ay dapat sa
anyong pangungusap, gamitin ang likod na bahagi sa inyong pagsagot.)
1. Sino ang tinutukoy na batang gamugamo sa anekdota
2. Saan naganap ang kuwento?
3. Sino ang nagkukwento sa binasang kwento?
4. Ano ang naglalaro sa maliit na ilawan nila Rizal?
5. Ano ana aral na nais ipabatid na kwentona Ivona anekdota?