Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Kumuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

tula tungkol sa pandemya


Sagot :

Answer:

Panalangin

Wala nang tahimik na kalsada ngayon.

Binagtas na natin ang bawat daan;

Sumuot sa makikitid na sulok ng agam-agam

Hanggang sapitin ang pintuan ng walang katiyakan.

Sa ating pagkapiit, may dagim ng ligalig ang kisame;

Gabi-gabing pagbabadya ng unos

Na buhos ay pagkatigatig sa kahimbingan ng malay.

At sa nakasanayang alimpungat, iuusal ang panalangin

Sa himig ng mga tula. Mananalig na sa bisa ng mga talinghaga

Ay masusumpungan ang lunas sa karamdaman ng daigdig—