Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Demand:
Bubble Thought:
Ang mga bubble thoughts na nasa larawan ay nagpapahiwatig ng mga tanong na itinatanong ng isang karaniwang mamamayan sa kanyang sarili bago gumawa ng desisyon sa pagbili o pagtangkilik ng isang produkto o serbisyo ng naaayon sa kanyang pangangailangan, kagustuhan, at kakayahang bumili. Ang mga tanong na ito ay may kinalaman sa kanyang demand.
Demand:
Ang demand ay isa sa mga batayang kasipan sa ekonomiks na tumutukoy sa pagpapakita ng kagustuhan ng isang mamimili at kakayahang bumili ng mga produkto o serbisyo bilang sagot sa kanyang mga pangangailangan upang mabuhay.
Kahulugan ng Demand: brainly.ph/question/1880800
Batas ng Demand:
Ang batas ng demand ay tumutukoy sa batas na nagpapaliwanag ng kaugnayan ng presyo at demand ng isang produkto. Sang – ayon dito, kapag ang presyo ng bilihin ay tumataas, bumababa naman ang bilang ng dami ng pagkagusto at kayang bilhin. Samantalang kapag bumababa ang presyo ng produkto, ay tumataas naman ang pagkagusto at kayang bilhin.
Bilang karagdagan, isinasaad ng batas na ito na sa tuwing ang isang tao at kanyang pamilya ay magpapasyang bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing batayan at sa bawat pagbiling gagawin ay mahalagang malaman muna ang presyo ng produktong bibilhin.
Dalawang Batayan ng Batas ng Demand:
income effect
substitution effect
Ayon sa income effect, mas malaki ang halaga ng perang kinita sa tuwing mas mababa ang presyo ng isang produkto o bilihin. Sa tuwing mas mababa ang presyo ng mga bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili (purchasing power) ng mas maraming bilihin o produkto. Samantalang lumiliit naman ang kanilang kakayahang makabili (purchasing power) kaya nababawasan din ang bilang ng mabibiling produkto.
Ayon sa substitution effect, kapag tumaas ang presyo ng isang bilihin ang mga konsyumer ay humahanap ng alternatibo na mas mura.
Batas ng Demand: brainly.ph/question/2306948
Mga Paraan ng Pag – aanalisa ng Demand:
demand curve
demand function
demand schedule
Ang demand curve ay tumutukoy sa dayagram o graph na naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
Ang demand function ay tumutukoy sa matematikong representasyon ng ugnayan ng presyo at quantity demanded. Ito ay sa pamamagitan ng equation na: Qd = f(P).
Ang demand schedule ay tumutukoy sa talaan na naglalaman ng bilang ng kaya at gustong bilhin ng isang indibidwal sa iba’t ibang halaga.
Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa Demand:
kita
dami ng mamimili
inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
panlasa
presyo ng magkaugnay na produkto at pagkonsumo
Ang pagkakaiba iba ng kita ay nagdudulot din ng pagbabago sa demand para sa isang particular na produkto. Kapag mas mataas ang kita ng isang tao, mas mataas din ang kanyang kakayahan na makabili ng isang produkto. Gayundin, kapag mas maliit ang sahod ng isang tao, mas lumiliit din ang kanyang kakayahan na makabili ng isang produkto o serbisyo.
Ang biglaang pagdami ng mga mamimili dulot ng tinatawag na “bandwagon effect” ay nakakaapekto rin sa demand. Mas nahihikayat ang isang tao na bumili kapag nakikita niya na maraming tumatangkilik sa produktong ito.
Kapag nakikita ng mga mamimili na maaaring tumaas ang presyo ng isang produkto, sinasamantala nila ang pagbili sa panahon na mababa pa ang presyo ng produktong ito.
Ang pagpili ng produkto o serbisyong bibilhin ay depende sa panlasa ng konsyumer.
Magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o maaaring maging alternatibo ng isa’t isa. Komplementaryo ang tawag sa mga produktong magkasabay na ginagamit tulad ng kape at asukal, bigas at de lata.
Salik na Nakakaapekto sa Demand: brainly.ph/question/416532

Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Layunin naming magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami para sa higit pang mga kaalaman. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa aming mga eksperto.