Ang kuwentong "Nang minsang naligaw si Adrian" ay nagsimula noong nakaramdam ng pagkahabag si Adrian sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya nagapos siya sa responsibilidad sa pag-aalaga ng kanyang amang maysakit. Gusto niyang lumigaya at ayaw mapag-isa kapag nawala na ang kanyang ama ngunit magagawa lamang niyang magkaroon ng sariling buhay kung malaya na siya sa responsibilidad niya sa kanyang ama. Napagpasyahan niyang iligaw ang maysakit niyang ama sa gubat upang matapos na ang lahat. Iyak siya ng iyak habang papasok sa kasukalan ng gubat habang pasan ang ama habang patuloy naman sa pagbali ng mga sanga ng kahoy ang kanyang ama habang karga niya ito. Tinanong niya ito "Ano pong ginagawa ninyo dad?, tanong niya. "Alam kong gusto mo akong iligaw anak kaya binabali ko itong mga sanga para hindi ka maligaw paglabas", saad ng kanyang ama. Napagtanto niya ang isang bagay at muling kinarga ang kanyang ama palabas ng gubat.