Palalimin
Gawain 5
Panuto: Ang mga sumusunod na sitwasyon ay humarap sa krisis,
suliranin o pagkalito. Isulat sa sagutang papel ang salitang TIKTOK
kung ang kanyang emosyon ay nagdulot ng positibong epekto at
CHALLENGE naman kung nagdulot ito ng negatibong epekto.
1.
2.
Nagtyatyagang mag-aral si Regine tuwing gabi gamit ang kanilang
gasera.
Suma-sideline sa palengke si Carlo bilang kargador upang
makaipon ng baon papasok ng paaralan.
3. Hirap unawain ni Iya ang kanyang mga aralin kaya naman
nagpasya na lamang itong huminto sa pag-aaral.
4. Mahilig maghalaman si Paul ginawa niya itong negosyo ng
mawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang.
5. Masugid na inihahatid at sundo ni Dan ang kaniyang nililigawan sa
pag-asang sasagutin din siya nito sa tamang panahon.
6. Nagdadalamhati si Tina sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang
kaya naman lagi siyang lumiliban sa klase at nagbubulakbol.