Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa SAGUTANG PAPEL
1. Binigyang pansin niya ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa. Sino ang pangulong ito?
A. Ramon Mgasaysay
B. Carlos P. Garcia
C. Manuel Roxas
D. Diosdado Macapagal
2. Kabilang sa mga ginawa niya ang pagsasagawa ng mga batas upang maisaayos ang sector ng agrikultura sa bansa katulad ng Agricultural Land Reform Code. Sino ang pangulong ito?
A. Diosdado Macapagal
B. Manuel Roxas
C. Carlos Garci
D. Elpidio Quirino
3. Sa kaniyang administrasyon iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas, kaya siya tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
A. Manuel Roxas
B. Elpidio Quirino
C. Ferdinand Marcos
D. Ramon Magsaysay
4. Pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon ang industriyalisasyon ng Pilipinas, at ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados Unidos.
A Elpidio Quirino
B. Ferdinand Marcos
C. Manuel Roxas
D. Ramon Magsaysay
5. Sa kanyang panunungkulan naidaos ang matagumpay na Manila Summit Conference na dinaluhan ng mga maraming pinuno ng estado.
A. Elpidio Quirino
B. Ferdinand Marcos
C. Ramon Magsaysay
D. Manuel Roxas