Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng mabilis at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Answer:
"Taong nanunuyo, dala-dala’y bukayo "
- Ang ibig sabihin ng salawikaing ito ay kung may nagsabi man sa’yo ng masasakit na salita at gusto nang humingi ng patawad gagamitan niya ng matatamis na salita ang kanyang mga sasabihin upang siya ay mapatawad mo na.
Haimbawa:
Nagkatampuhan kayo ng isa sa mga kaibigan mo, dahil sa iyong galit nasabihan mo siya ng masasakit na salitang hindi mo naman sinasadya, napag-isip isip mong mali ang iyong nagawa at gusto siyang suyuin sa paraang pagbibigay ng isang bagay na makakapagpagaan ng loob niya o mga matatamis na salita ng pagpapatawad, pampalubag loob kumbaga para mawala yung tampo niya sayo at makuha muli ang loob niya para kayong dalawa ay magkabati na.
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay, karaniwang sambitin ito ngayon na pwede nating gamitin sa totoong buhay.
IBA PANG HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
- Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
- Kung ano ang puno, siya ang bunga .
- Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin .
- Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
- Kung may tinanim, may aanihin.
- Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.
- Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
- Sala sa lamig, sala sa init.
- Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:
Iba pang Halimbawa ng Salawikain: brainly.ph/question/655595
Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/12284
#BetterWithBrainly
Salamat sa pagpili sa aming serbisyo. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.