Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.
Sagot :
Answer:
Katangian ng Pabula
- Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng isang tao.
- Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan laban sa kasamaan.
- Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng mga hayop), ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin o problema.
- Ang pabula ay kinapupulutan rin ng iba't ibang magagandang aral na maaring maisabuhay ng mambabasa. Ang mga aral na ito ay nagiging batayan sa tungo sa paggawa ng kabutihan.
Ipinalalagay na nagsimula ang pabula sa bansang Greece kay Esopo (Aesop), na isang aliping Griyego.
Talambuhay ni Aesop: brainly.ph/question/551388
Halimbawa ng Pabula
- Ang Aso at ang Uwak
- Ang Kuneho at Pagong
- Ang Matalinong Pagong at Matsing
- Ang Leon at ang Daga
- Si Alitaptap at si Paruparo
- Ang Buwaya at ang Pabo
- Si Paruparo at Langgam
- Ang Lobo at ang Kambing
- Si Langgam at si Tipaklong
- Ang Agila at ang Maya
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:
brainly.ph/question/1521274
Layunin ng Pabula: brainly.ph/question/1723521
#BetterWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Bumalik muli para sa karagdagang kaalaman mula sa aming mga eksperto.