Napakarami at iba't iba ang paniniwala at kultura ng mga bansa sa
Mediterranean. Ito ay dahil sa kadahilanang magkaiba ang naging pinagdaanan at
prinsipyo ng bawat lugar. Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila
ang humubog at nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila
ang nakatuklas ng sistema ng pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang
maraming akda sa mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan.
Sa panitikang Mediterranean nakabatay ang halos lahat ng modernong
panitikan ng mga bansa sa ngayon. Nagiging tanyag ang pagiging
pagkamalikhain at mahusay nito sa lahat ng bagay. Kabilang sa kanilang
natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat, ang cuneiform.Ang
pamumuhay ng mga taga-Mediterranean ay pangunahing nakasalalay sa agrikultura
dahil sa kanilang lokasyon.