Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

mga bansa sa timog silangang asya at mga kabisera nito

Sagot :

Ito ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya at ang kanilang mga Kabisera ayon sa kanilang Political Divisions.

Mga Sovereign States

  • Brunei – Bandar Seri Begawan
  • Cambodia – Phnom Penh
  • East Timor (Timor-Leste) – Dili
  • Indonesia – Jakarta
  • Laos – Vientiane
  • Malaysia – Kuala Lumpur
  • Myanmar – Nay Pyi Taw
  • Philippines – Manila
  • Singapore – Singapore
  • Thailand – Bangkok
  • Vietnam – Hanoi

Mga Administrative Subdivisions

  • Andaman at Nicobar Islands – Port Blair
  • Hainan – Haikou

Mga Dependent Territories

  • Christmas Island – Flying Fish Cove
  • Cocos (Keeling) Islands – West Island (Palau Panjang)

Kontinente ng Asya

Ang Asya ang pinaka-malaking kontinente sa buong mundo na matatagpuan sa Eastern and Northern Hemisphere. Saklaw nito ang 9% na kabuoan ng surface area ng Earth o Mundo. Bahagi nito ang ilang bahagi ng kalupaan sa Eurasia at ng Afro-Eurasia, sa parehong kontinente ng Europe at Africa. Ang Asya ay nahahati o subdivided sa 48 na bansa, ang tatlo sa kanila (Russia, Kazakhstan, Turkey) ay may bahagi ng kanilang lupa sa Europa. Nahahati ang Asya sa anim na pangunahing rehiyon (main regions). Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Hilagang Asya (Siberia)
  2. Silangang Asya (Far East)
  3. Kanlurang Asya (Middle East o Near East)
  4. Sentral  Asya
  5. Timog Asya (Indian subcontinent)
  6. Timog-Silangang Asya (Indochina at East Indies)

Para sa listahan ng mga bansa sa Asya, pakisuyong i-click ang link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/191076

Timog-Silangang Asya

Ang Timog-Silangang Asya ay subregion ng Asya, na binubuo ng mga bansa na matatagpuan sa timugang bahagi ng China at Japan, silangan ng India, kanluran ng Papua New Guinea, at hilaga ng Australia. Ang hangganan ng Timog-Silangan Asya ay mula sa hilaga ng East Asia, pakanluran ng South Asia at ng Bay of Bengal, pasilangan ng Oceania at ng Pacific Ocean, at pasilanagn ng Australia ang ng Indian Ocean. Ang rehiyong ito ang tanging bahagi ng Asya na ang ilang bahagi ay matatagpuan sa Southern Hemisphere, at ang nalalabi at malaking bahagi nito ay matatagpuan naman sa Northern Hemisphere. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa 2 heograpikal na rehiyon. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Ang Mainland Southeast Asia, na kilala din bilang Indochina, na binubuo naman ng ilang bahagi ng Northeast India, Vietnam, Laos, Cambodia, Thailand, Myanmar, at West Malaysia.
  2. Ang Maritime Southeast Asia, na kilala din bilang Nusantara, ang East Indies at Malay Archipleago, ay binubuo namn ng Andaman at Nicobar Islands ng India, Indonesia, East Malaysia, Singapore, Philippines, East Timor, Brunei, Christmas Island, at ng Cocos (Keeling) Islands. Ang Taiwan ay kabilang din sa rehiyong ito ayon sa mga antroplogo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Timog-Silangang Asya, Pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/76966

https://brainly.ph/question/1751681

https://brainly.ph/question/1581275

View image blt003
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.