Answered

Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

5 pilipino folks songs with lyrics



Sagot :

isay
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng. 


leron leron sinta
Leron, Leron, sinta 
Buko ng papaya 
Dala dala'y buslo 
Sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo'y 
Nabali ang sanga, 
Kapos kapalaran 
Humanap ng iba.

Halika na Neneng, tayo'y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y uunda-undayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.

Halika na Neneng at tayo'y magsimba
At iyong isuot ang baro mo't saya
Ang baro mo't sayang pagkaganda-ganda
Kay ganda ng kulay -- berde, puti, pula.

Ako'y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

AKYA MO NENENG 
Original Tagalog Lyrics 


Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.


Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya mo, aking hirang?
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
'Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.


Ang aking pag-asa'y saglit na  pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na  di nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ay munting bagay,
Huwag itapon, aking buhay,
Ang aliw ko kailanman.

sa libis ngayon

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon.

Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban,
Kayamanan at dangal ng kabukiran.

lulay

Anong laking hirap kung pagka-iisipin
Ang gawang umibig sa babaeng mahinhin
Lumuluhod ka na'y 
di ka pa mandin pansin


Sa hirap ika'y kanyang susubikin.

Ligaya ng buhay babaeng sakdal inam
Ang halaga niya'y di matutumbasan

Kahinhinan niya'y tanging kayamanan.

Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.