Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Alamin ang kwento ni cupid at psyche

Sagot :

Si Cupid at Psyche

Ang kwentong Cupid at Psyche ay isang halimbawa ng mitolohiya ng Roma kung saan binigyang-diin ang mga katangian at ang batas ng mga diyos at diyosa ng Olympus. Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig,  ay  anak ni Venus, diyos ng kagandahan. Siya  ay umibig sa isang mortal na dalaga na may taglay na kagandahan si Psyche.

Si Psyche ay kinamumuhian ni Venus dahil sa taglay nitong hitsura na hinding-hindi niya mapapantayan. Nalimot ng mga kalalakihan ang pagsamba't pag-aalay sa diyosa dahil kay Psyche. Labis na nagalit ang diyosa kaya inutusan niya ang anak na paibigin ang dalaga sa isang nakakatakot na nilalang. Ngunit, napana ni Cupid ang sariling puso nang makita niya ang magandang dalaga. Inilihim niya ito sa kanya.

Ang Pag-ibig

Dahil dito, hindi umibig ang dalaga at walang gustong makikipag-asawa sa kanya. Dinala si Psyche ng kanyang ama sa tuktok ng bundok dahil ito ang ipinayo sa kanya ni Apollo. Gayunman, nagkaroon ng bagong asawa si Psyche. Lingid sa kaalaman ni Psyche na ang kanyang naging asawa ay si Cupid. Hiniling ng asawa na ilihim ang tunay na pagkatao nito, ngunit hindi ito natupad ni Psyche dahil naniwala siya sa mga sulsol ng kapatid.

Huling Pagkikita

Hindi na muling nakita ni Psyche ang asawa hanggang isang araw, sa labis na depresyon niya, humingi siya ng tulong kay Venus. Ngunit, siya ay binigyan ng maraming mahihirap na pagsubok bago niya muling masilayan ang asawa.  Nang malaman ito ni Cupid, agad itong humingi ng tulog kay Jupiter, ang hari ng mga diyos, na utusan ang ina na itigil na ang  pagpapahirap sa asawang si Pscyhe.

Ang Kasalan

Pormal silang ikinasal ni Jupiter sa kaharian nito. Pinakain ng ambrosia si Psyche upang maging isang imortal. Dahil sa pagiging mortal nito, naging mahinahon na si Venus at di na sila muling ginambala pa.

Karagdagang Impormasyon

  • Alamin ang higit pang detalye ng mitolohiya ng Cupid at Psyche sa link na ito: https://brainly.ph/question/125984.
  • Malalaman ang kalakasan at kahinaan ni Cupid sa link na ito: https://brainly.ph/question/124066.
  • Malalaman ang kalakasan at kahinaan ni Psyche sa link na ito: https://brainly.ph/question/125784.
Bisitahin muli kami para sa mga pinakabagong at maaasahang mga sagot. Lagi kaming handang tulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.