kimbien
Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

anu-ano ang limang bahagi ng banghay at ang kahulugan nito? :)

Sagot :

Banghay:

Ang banghay ay tumutukoy sa malinaw at organisadong pagkakaayos ng mga kabit kabit na pangyayari sa kwento. Sa pamamgitan ng banghay nailalahad ng maayos ang salaysay ng mga pangyayari sa kwento at kung ano ang kaugnayan ng mga pangyayaring ito sa kabuuan ng akda. Ito ay karaniwang tinatawag na balangkas sapagkat meron itong mga bahagi at elemento.

Kahulugan ng banghay: https://brainly.ph/question/1019645

Mga Bahagi ng Banghay:

  • simula
  • gitna
  • wakas

Ang simula ang bahagi ng banghay na nagsasaad at nagpapakita ng kilos, kalinangan ng  tao, hadlang at suliranin sa kwento o akda.

Ang gitna ang bahagi ng banghay na tumatalakay sa masisidhing pangyayari na kakaharapin ng tauhan na kailangan niyang mapagtagumpayan.

Ang wakas ang bahagi ng banghay na nasa pinakahuli o dulo ng akda o kwento na siyang nagtatakda ng magiging resulta ng mga pangyayari sa kwento o akda.

Mga bahagi ng banghay: https://brainly.ph/question/232191

Mga Elemento ng Banghay:

  1. panimulang pangyayari
  2. pataas na aksyon
  3. kasukdulan
  4. pababang aksyon
  5. wakas at katapusan

Ang panimulang pangyayari ay ang elemento ng banghay na nagpapakilala ng mga tauhan at tagpuan ng akda o kwento.

Ang pataas na aksyon ay ang elemento ng banghay na nagpapakita ng pagtindi o pagtaas ng galaw o kilos ng mga tauhan na maaaring mauwi sa sukdulan.

Dalawang Bahagi:

  • saglit sa kasiglahan
  • tunggalian

Ang saglit sa kasiglahan ay bahagi ng pataas na aksyon na naghahanda sa mga mambabasa sa pagtukoy ng mga pagsubok na kakaharapin ng pangunahing tauhan sa akda o kwentong binabasa.

Ang tunggalian ay bahagi ng pataas na aksyon na kung saan nakikipaglaban ang pangunahing tauhan sa mga taong salungat sa kanya sa kwento o akda.

Ang kasukdulan ay ang elemento ng banghay na nagpapakita ng mataas na bahagi ng kapanabikan na maaaring magbunga sa maaksyon o madamdaming pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

Ang pababang aksyon ay elemento ng banghay na nagpapakita ng paunti – unting paglilinaw ng mga pangyayari na nagsisilbing hudyat o sensyales na ang aksyon ng tauhan ay unti – unti ng bumababa at nagbibigay – daan para sa pagtatapos ng kwento.

Ang wakas at katapusan ang elemento ng banghay na naglalahad ng kahihinatnan ng pangunahing tauhan sang – ayon sa mga pangyayari sa kwento o akdang binasa.

Mga elemento ng banghay: https://brainly.ph/question/1719665

Paglalapat:

Pamagat ng Kwento:  

Si Juan at ang mga Alimango  

Panimulang Pangyayari:

Isang araw, si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria na pumunta sa palengke at bumili ng mga alimangong iuulam nila sa pananghalian. Pagkabigay ng pera ay umalis na si Juan upang hindi siya tanghaliin.

Pataas na Aksyon:

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan ang mga ito na lumakad mag – isa sa pag – iisip na ang mga ito ay kusang uuwi sa kanilang bahay. Matapos ay sumandal sa puno upang magpahinga. Nakatulog si Juan at hapon na ng magising.  

Kasukdulan:

Sa pag – uwi ni Juan ay nag – aabang na ang ina na puno ng pag aalala. Itinanong nito kung nasaan na ang kanyang ipinabiling mga alimango. sinabi ni Juan na maaga pa lang ay pinauwi na niya ang mga ito. Nagalit ang ina ni Juan at sinabing ang mga alimango ay walang isip na tulad ng sa tao kaya’t hindi ito makakauwi ng mag – isa.

Pababang Aksyon:

Pilit na ipinaintindi ng ina ni Juan sa kanya ang pagkakamaling ginawa niya. Sa kabila nito at taking – taka pa rin siya kumbakit hindi nakarating sa kanilang bahay ang mga biniling alimango.

Wakas at Katapusan:

Dahil sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina na ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay sa wakas naliwanagan na rin si Juan at napag isip na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.