Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Ang aming platform ay nag-uugnay sa iyo sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

sino sino ang mga bourgeoisie​

Sagot :

Answer:

Binubuo ito ng mga Mangangalakal, Banker, Ship owner, Negosyante, at mga Namumuhunan.

1. Ang mga Mangangalakal

-ay isa sa mga pangunahing bumubuo sa bourgeoisie o gitnang uri sa Europe. Bumuo sila ng mga ekspedisyon upang humanap ng pamilihan at magkaroon ng mas malaking kita.

2. Ang mga Banker

-sila ang nagmamay-ari o namamahala ng bangko.

3. Ang mga Shipowner

-ang nagmamay-ari ng mga barkong ginagamit sa pangangalakal.  

4. Ang mga Negosyante

-ang mga tagagawa o tagabenta ng mga produktong maaaring gamitin o ikalakal ng mga mangangalakal.

5. Ang mga Namumuhunan

-sila ang namamahala sa kung magkano ang patong o tubo ng isang produktong kanilang ipagbibili.

Bourgeoisie

-ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya.

Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng mga aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigidig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapaing uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan.  

Explanation:

MARK ME AS A BRAINLIEST