Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

ano ang maaaring mangyari kapag inabuso natin ang ating kalikasan?​

Sagot :

Answer:

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman.

Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.

Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong ito.

Aessy

Answer:

Maaaring masisira at mauubos ang species ng halaman at hayop na magreresulta ng mass extinction nito

Explanation:

Kapag patuloy natin inaabuso ang kalikasan, babalik din sa atin ang resulta nito. Sa pagkaubos ng mga halaman at hayop, dulot ng pagsisira natin tyulad na lamang ng pagpuputol ng puno, pangangaso, dynamite fishing, at ano pang mga dahilan na nakasisira sa kalikasan, lubos na maapektuhan tayo sa kadahilanang mauubusan tayo ng suplay sa tubig at pagkain, pagtaas ng temperatura at pagkaguho ng ozone layer na magdudulot ng matindig tag-init sa kapiligiran.

Yan lang po makakaya ko, sana makatulong :>

Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.