Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Tuklasin ang aming Q&A platform upang makahanap ng malalim na sagot mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.
Sagot :
Answer:
ANO ANG MAPANURING PQGBASA?
Ang mapanuring pagbasa ay ang pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin. Mahala ang bagay na ito ang tamang uri ng tekstong babasahin.Kailangan rin ito ngayon dahil may mga bagay na kumakalat na sa ating panahon katulad na lamang paano mo mapapatunayan na tama ang mga sagot na nakuha mo sa internet. Sa ganitong paraan kinakailangan ang mapanuring pagbasa upang mapadali na nating madefine kung ito ba ay may katotohanan ba o wala.
Mapanuring pagbasa ay isang pagbabasa na sinusuri ang mga lingwistikang ginagamit ng makata sa sariling akda. Mapanuring pagiisip ay ang pagsusuri ng panitikan kung ano ang mga nilalaman ng panitikan: banghay, elemento at mga katangian pa ng mga tauhan. Mapanuring mambabasa ay pagsusuri sa panitikang nabasa kung ano ang mga teoryang pampanitikan ang napapaloob dito. Kung naaapektuhan ba ang damdamin ng mambabasa at ang natutunan sa binasa.
Tukuyin ang mga uri ng antas ng pagbasa?isang komplikadong proseso (complex process), may dalawang klaseng proseso (two-way process), napapaloob sa malawak na paglalarawan (visual process), isang masiglang proseso (active process), sistemang panlinggwistiko (linguistic system), nakasalalay ang mabisang pagbasa sa mga nakaraang kaalamaan (prior knowledge).Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo (halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa musika o piktogram.
Ano ang Antas ng Pagbasa?
Mayroong 4 na Antas ng Pagbasa
1.Primarya (elementarya)
Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong kakayahan. Ibig sabihin, dinedevelop ito mula sa kamangmangan. Elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatuturo sa paaralang elementarya. Sa primarya, wika ang pokus. Ang pagkilala sa aktwal ng mga salita, at ang pagpapamalay sa kahuluhan ang unang konsentrasyon ng primaryang pagbasa.
2.Inspeksyunal o Mapagsiyasat
Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga. Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa. Dahil sa limitadong pagbasa, hindi lahat ng nasa aklat ay babasahin kundi ang superfisyal o espisipiko na kaalaman lamang. Ang kailangang sagutan habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro?, Anu-ano ang mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan ba? Nobela ba? Diskurso ba?. Tinatawag din itong pre-reading o sistematikong iskiming.
3.Mapanuri o Analytikal
Ang antas na ito ay aktibo. Dapat intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pag-iinter. Interpratibo ito, samakatuwid, sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga, sa pagitan ng teksto o linya. Mahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan.
4.Sintopikal
Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-uunawang integratibo ang kailangan sa antas na ito. Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa. Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami namang nakukuhang benepisyo.
5 Hakbang tungo sa sintopikal na paksa
1. Pagsisiyasat
Magsiyasat ng mga mahalagang bahagi na magkokonekta sa pokus(references).
2. Asimilasyon
Tukuyin mo ang wika at tukuyin ang mga termino(significant of terms). Pagkatapos mong matukoy ang wika at termino, gagawa ka ng sarili mong konklusyon.
3. Mga Tanong
Sa mga binasa mo, may naiiwang mga tanong.
4. Mga Isyu
Lumilitaw ang isyu kung kapakipakinabang at makabuluhan ang mga katanungan. Kung di mo naunawaan ang binasa, hindi ka makagagawa ng sariling konklusyon dahil hindi mo binasa(walang malalim na pag-unawa at pagpapaliwanag).
5. Konbersasyon
Patukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na antas ng pagbasa. Palaging kwestunable ang katotohanan; sa diskurso, sa eksperto, sa sarili. Mayroong sariling pagpapaliwanag.
Mga Kailangang Isagawa upang Makamit ang Antas ng Pagbasa
Tukuyin kung saang larangang nakapaloob ang teksto.
Pagbabalangkas
Tukuyin ang suliranin na tinatangkang gustong bigyang linaw ng may akda.
Pag-unawa sa mga salitang ginamit.
Sapulin ang mahahalagang proposition ng may akda.
Tukuyin sa kung nasagot ang mga katanungan sa suliranin.
Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkamali, nagkulang o naging elohikal ang pagpapaliwanag ng may akda.
Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.