phetja
Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Gamit ng pandiwa bilang aksyon, karansan at pangyayari

Sagot :

Gamit ng Pandiwa at Mga Halimbawa

Kahulugan at Gamit ng Pandiwa

Ang pandiwa ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita tungkol sa kilos o galaw ng paksa o aktor gaya ng tao, bagay o hayop.Ang gamit ng pandiwa sa pangungusap ay bilang aksyon, karanasan o pangyayari.

Pandiwa bilang Aksyon

-aksyon ang gamit ng panidwa kung ang aktor o ang paksa ang tagaganap ng aksyon o kilos. Ang mga pandiwa dito ay nabubuo sa pamamagitan ng tulong ng mga panlaping -um, nag, mag-, ma-, mang-,maki-, mag-an.

Halimbawa ng Pandiwa bilang Aksyon

  1. Nagwawalis ng bakuran si Ben habang nakikinig ng mga awitin sa radyo.
  2. Kumakain si Mario nang dumating ang kanyang hindi inaasahang mga bisita.

Pandiwa Bilang Karanasan

-karanasan ang gamit ng pandiwa kapag nagpapahayag ng damdamin, emosyon o saloobin ang tagaranas sa pangungusap.

Halimbawa ng Pandiwa bilang Karanasan

  1. Nagagalak si Adonis sa mga matatamis na ngiti ng kanyang kaharap.
  2. Nabighani si Venus sa tindig at kisig ng kanyang nakasalubong sa daan.

Pandiwa bilang Pangyayari

-pangyayari ang gamit ng pandiwa kapag ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa ng Pandiwa bilang Pangyayari

  1. Namatay ang kabayo sa matinding uhaw at pagod sa bundok.          
  2. Nasaktan ang binata sa pangingialam ng kanyang ama sa kanyang desisyon.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Gamit ng pandiwa bilang aksyon pangyayari at karanasan

https://brainly.ph/question/127796

https://brainly.ph/question/129751

https://brainly.ph/question/127271

#BetterWithBrainly

Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Layunin naming magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami para sa higit pang mga kaalaman. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ang Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.