Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Lahat ng tao ay may pangarap sa buhay. Lahat ay may mga bagay na nais makamtan, lugar na nais mapuntahan, at mga pangyayaring nais maranasan. Sa pagkamit natin ng ating mga pangarap, mayroon tayong mga bagay na nagtutulak sa atin para magpatuloy lang at huwag sumuko. Inspirasyon. Sa pag-abot ko ng aking mga pangarap sa buhay, ang mga magulang ko lagi ang nasa isip ko. Sila ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagkamit ng mga pangarap ko.
Mula pagkabata, pangarap ko na talagang yumaman. Gusto kong tumigil na sa pagtratrabaho ang mga magulang ko at ako na lamang ang magtrabaho sa kanila. Alam kong hirap sila sa pagtratrabaho para lang may makain at makapag-aral kami kaya naman pinagbubuti ko ang pag-aaral ko para magkaroon ako ng magandang kinabukasan. Mahirap man ay kinakaya ko pa rin para sa mga pangarap ko. Lagi kong inisip ang mga magulang ko na siyang ginagawa kong inspirasyon para makamit ko ang mga ito. Minsan ay gusto ko ng sumuko pero kapag naiisip ko ang mga hirap na pinagdaanan nila para sa akin ay nagkakaroon ako ng panibagong lakas para harapin muli ang mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Naisip kong sumusuko ako sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng kaunting hirap kumpara sa mga sakripisyo nila para sa akin kaya naman bumabangon ako lagi para magpatuloy. Babangon at babangon akong muli at magpapatuloy para sa mga inspirasyon ko sa buhay hanggang sa maabot ko na ang mga pangarap ko.
Bawat tao ay may inspirasyon na nagtutulak sa kanila para abutin ang kanilang mga pangarap o para gawin ang isang bagay. Minsan ideya, lugar o bagay pero madalas ay tao. Mga taong nandiyan lagi at sumusuporta sa atin para maging mas umayos o gumanda ang ating buhay o pakiramdam. Mga taong nagpapaalala sa atin na walang imposible at naniniwala sa atin na kaya natin.
-----------------------------------------------
Para sa kahulugan ng sanaysay at mga parte nito, puntahan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/138575
#BrainlyLearnAtHome
#AnswerForTrees
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.