Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong Q&A platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

Meaning ng alegorya ng yungib ni plato

Sagot :

Answer:

Meaning ng Alegorya ng Yungib ni Plato.

Ang Alegorya ng Yungib ay ang kilalang kwento na isinulat ng Pilosopong si Plato muna sa bansang Greece. Naniniwala si Plato sa kahalagahan ng pag-aaral ng Pilosopiya upang tayo ay magkaroon ng maayos na buhay.  

Ikinukumpara ng kwentong ito ang epekto ng pagkakaroon ng edukasyon at ang kakulangan nito sa likas na pag-iisip ng karamihan sa atin. Ipinapakita sa Alegorya kung paano nahuhubog ng kinagisnan ang buong pagkatao ng isang indibiduwal at ang kakayahan nitong tumanggap ng bagong ideya matapos ang matagal na “INDOCTRINATION”.

Explanation:

Narito ang ilan sa  mga halimbawa ng paniniwalang ipinaglalaban ng isang taong maihahambing sa mga nasa loob ng Yungib:

  1. Relihiyon
  2. Partidong politikal
  3. Lahi
  4. Nasyonalismo
  5. Kultura

Ang bawat isa sa nabanggit ay dumadaan sa iba’t-ibang lebel ng Indoctrination mula sa:

  • pamilya
  • religious leader  
  • kandidato
  • mga babasahin.

Ito ang dahilan kung bakit naglalaban ang mga relihiyon, nag-aaway ang mga supporters ng iba’t ibang kandidato. Makikita rin natin ito sa geopolitical situation ng mundo na kung saan may mga bansang naniniwala na karapatan nilang manakop ng ibang lupain para sa kanilang tinutukoy na National Security.  

Malinaw na naipakita ng “Alegorya ng Yungib” kung gaano kadali na hawakan ang pag-iisip ng masa upang pasunurin ito ayon sa kagustuhan ng sino mang may hawak dito, at ang panganib ng pagsasabi ng katotohanan na ipinakita ng indibiduwal na nakatakas at nakita ang nasa labas yungib.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

Ang alegorya ng yungib https://brainly.ph/question/135418

Symbols used in the allegory of the cave https://brainly.ph/question/336951

Sino si Plato? https://brainly.ph/question/1566767