Answered

Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng mga solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

halimbawa ng pahambing na magkatulad (pangungusap)

Sagot :

Mga Halimbawa ng Pahambing na Magkatulad (pangungusap):

  1. Magkasingganda sila Cassandra at Chloe.
  2. Magkaparehas ang kanilang mga kuwintas.
  3. Kasimputi ng perlas ang mga puting damit ni Lito.
  4. Gamundo ang pagpapahalaga ng mga nanay sa kanilang mga anak.
  5. Kasingkinang ng bituin ang kanyang singsing dahil sa kintab nito.
  6. Ang dalawang kumot ay magkasinghaba.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mga halimbawa ng pahambing na magkatulad, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/132437

Pahambing na Magkatulad

Ang pahambing na magkatulad ay:

  • isang uri sa dalawang uri ng kaantasang pahambing
  • ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa na may patas na katangian.

Ang pahambing na magkatulad ay ginagamitan ng mga panlaping:

  • ka
  • magka
  • sing (sin/sim)
  • kasing (kasin/kasim)
  • magsing (magkasing/magkasim)
  • ga/gangga

Maaari ring gumamit ng mga wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, at mukha/kamukha sa pahambing na magkatulad.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pahambing na magkatulad, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/613369

Pahambing na Palamang

Ang pahambing na palamang o hambingang palamang ay:

  • may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan
  • isang uri sa dalawang uri ng hambingang di magkatulad
  • naipapakita ito sa tulong ng lalo, higit/mas, labis, at di-hamak.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pahambing na palamang, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/25893

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang tagasagot. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang impormasyon.