Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Kakapusan:
Ang kakapusan ay tumutukoy sa kalagayan kung saan ang pinagkukunang - yaman ay hindi sapat upang tugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao sapagkat ang pangangailangan ng tao ay walang hanggan at ang tao ay walang kakuntentuhan.
Mga Paraan Upang Mapamahalaan ang Kakapusan:
- Alamin ang pangunahing pinagkukunan ng yaman.
- Pag - isipang mabuti kung ano ang mga produkto at serbisyo na gagawin at gaano ito karami.
- Alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng pangangailangan at kagustuhan.
- Unahin ang pangangailangan.
- Sa paggawa ng mga produktong tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, kinakailangan na pag - aralang mabuti kung paanong ang mga produktong ito ay makakarating ng mabilis sa mga kinauukulan.
- Magkaroon ng matalinong pagpaplano para sa alokasyon. Ang mga pamilihan ay gawing makabuluhan.
- Palawakin ang paggamit ng mga pinagkukunang - yaman sa pamamagitan ng pamumuhunan, paggamit ng makabagong teknolohiya, at epektibo, maayos, at matalinong paggamit.
- Iwasan ang pag aaksaya o pagwawaldas sa pamamagitan ng pag - iwas sa paggawa ng mga produktong hindi napapanahon o hindi gaanong kailangan.
- Iwasan ang pagtatago ng supply o "hoarding" upang hindi lumala ang kakapusan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
- Unawaing mabuti ang kahalagahan ng "trade off" at "opportunity cost".
Upang lubos na maunawaan ang konsepto ng kakapusan, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/156400
https://brainly.ph/question/1478305
https://brainly.ph/question/581565
Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.