Answer:
Nagkakaroon ng paggalaw ng mga kontinente dahil itinutulak sila ng mga pwersang nasa ilalim ng daigdig. Ayon sa mga mananaliksik, ang pwersang ito marahil ay ang mantle convection.
Explanation:
Ang continental drift theory ay unang ibinahagi ni Alfred Wegener, at naniniwala syang noong unang panahon ay iisa lamang ang mga kontinente, na tinawag nyang Pangaea. Sa paglipas ng panahon, ang teoryang ito ni Alfred Wegener ay pinanigan ng mas marami pang eksperto, at kaakibat ng dagdag na mga ebidensya ay tinawag itong Plate Tectonics theory. Ayon sa teoryang ito, nahahati ang crust ng daigdig sa mga plates na nag-uumpugan, at ito ang nagiging dahilan ng mga paglindol at pagputok ng bulkan.
Para sa dagdag kaalaman kung ano ang “continental drift”, basahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/389474
#LearnWithBrainly