Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

ANO ANG KAUGNAYAN NG KLIMA SA MGA LIKAS NA YAMAN NA MATATAGPUAN SA ISANG LUGAR?

Sagot :

Ang klima ng isang lugar ay isa sa mga dahilan o salik sa pagpapaunlad ng mga likas na yaman upang mas lalo pa itong mapakinabangan ng mga mamamayan. Katulad na lang ng malamig na klima sa Baguio kung saan nakakapag-anyaya ito ng maraming turista at nakapagpalago ng turismo sa lugar na siyang ikinabuhay ng mga tao rito. Sa Baguio rin matatagpuan ang iba't ibang likas na yaman na sa malalamig na lugar lamang nabubuhay gaya ng strawberry at mga pino. Sa kabilang banda maaari ding makasira ang klima sa likas na yaman ng isang lugar. Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng mataas na tag-ulan na siyang nakakasira sa mga pananim at nakapagpabago sa pisikal na anyo ng mga ilog. Ang labis na init naman ay nakasisira sa mga pananim na nabubuhay sa lamig kung kaya't talagang apektado ang likas na yaman sa uri ng klima meron ang isang lugar. 
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.