Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Lahat ay naapektuhan ng implasyon. Bilang isang mag aaral paano makakalutas sa suliranin kaugnay ng implasyon ? Mayroon kang bahagi sa paglutas.
Yamang ang mga mag-aaral ay nakadepende sa pinansyal na allowance mula sa kanilang magulang na naghahanap-buhay, may kakayahan ba sila na lutasin ito?
Sa hindi direktang paraan, oo mayroon silang malaking bahagi sa paglutas. Paano?
Una, matutong mag-budget. Ang hindi mahusay na paggamit sa pera ibinibigay sa iyo ng iyong mga magulang ay isang pabigat mula sa kanila mismo. Dahil malaking bahagi ng kanilang budget ay mismong gastusin sa iyo bilang estudyante. Kung magtitipid ka, tiyak na mailalaan sa iba pang mas mahahalagang bagay ang iyong pera.
Ikalawa, kung matututo kang bumili o gumastos sa pinaka-praktikal na paraan, matutulungan mo ang iyong magulang sa pagba-budget anupat maiiwasan mong magdagdag pa gastusin para sa mga maintenance, danyos at utilities. Tandaan na hindi din tamang isipin na huwag nang gamitin ang pera. Una, imposible iyon. Ikalawa, mamamatay ang mga negosyo kapag hindi umikot ang pera. Umiwas sa pagkakautang lalo na ang may malaking interes.
Ikatlo, Matuto ding mag-impok. Ang pagtitipid ay iba sa pag-iimpok. Yamang ang pag-iimpok ay maaaring sa pamamgitan ng investment o saving. Alamin ang puwede mong gawin at bigyan ng puwang sa iyong allowance ang pagkakatong mapalago ang iyong pera.
Ikaapat, matutong mag re-use, recycle, reduce at iba pang paraan upang mas magamit ang dati ng mga nabiling mga gamit.
Simple kung ituturing sa laki ng pananagutan ng iyong magulang at ng gobyerno. Pero kapag pinagsama-sama ang pagsisikap ng mg estudyante, magiging malaki itong benepisyo sa patuloy na pagtaas ng bilihin.
correct me if im wrong
Explanation:
correct me if im wrong
Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.