Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

Tulungan niyo po ako please kailangan ko po kasi​

Tulungan Niyo Po Ako Please Kailangan Ko Po Kasi class=

Sagot :

Answer:

Ang arnis ay isang sining ng pakikipaglaban ng mga Filipino na kapuwa pandepensa at pang-opensa.

Ang Arnis ay siyang pambansang laro at pananandata ng Filipinas.

Bagaman kilala itong gamit bilang isang sandata lalo na ng dalawang patpat na karaniwang yari sa yantok o kamagong, ang mga kasangkapang ito ay itinuturing na ektensiyon lamang ng mga kamay at kakayahan ng manlalaro.

Nagsimula ang paglalaro ng arnis bago pa dumating ang mga Espanyol.

Ginagamit ito ng mga tribu sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway. Ipinagbawal ito nang dumating ang mga Espanyol.

Sa kabila nito, patuloy ngunit palihim na nagsanay ang mga Filipino sa paglalaro nito. May mga pagkakataong isinasagawa nila ito sa publiko maging sa harap ng mga Kastila ngunit sa paraang artistiko, bilang bahagi ng dulang Moro-Moro.

Dito, nakasuot ang mga Filipino ng damit ng mga Espanyol na sundalo na tinatawag na arnes at kunwa’y nakikipaglaban sa mga kaaway.

May tatlong pamamaraan sa paglalaro ng arnis:

Ang Espada at Punyal,

Ang Solo Baston (isang patpat), at

Ang Sinawali (maghabi).

Sa huli, gumagamit ng dalawang patpat na magkatulad ang haba at iminumuwestra ang galaw ng paghahabi tuwing nakikipaglaban.

Sakasalukuyan,itinuturo ito sa ilang paaralan bilang bahagi ng Edukasyong Pampalakasan.

Kabilang sa mga kinikilalang maestro ng modernong arnis sina

Venancio “Anciong” Bacon,

Dan Inosanto,

Cacoy Canete,

Mike Inay,

Remy Presas, at

Ernesto Presas.

Pinagmulan: Kermit Agbas

Mungkahing Basahin:

Mga pambansang sagisag ng Filipinas

Ang Ati-Atihan

SHARE

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Imhr.ca, ang iyong go-to na site para sa mga tamang sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang kaalaman.