Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Maranasan ang kadalian ng pagkuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa aming platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

Ibigay ang kahulugan ng bawat salita
1. Pabasa-
2. Flores de Mayo-
3. SantaCruzan-
4. Panunuluyan-
5. Salubong-
6. Cariñosa-​

Sagot :

Answer:

PABASA

-Ang Pabasa ay ang tradisyon ng pag - awit sa libro ng Pasyon. Isinasalaysay ng Pasyon ang pagligtas ni Kristo sa mundo mula sa kasalanan. Isinasalaysay ng Pabasa ang lahat na ito, simula sa paglikha ng Panginoon sa mundo, habang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo.

FLORES DE MAYO

-Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na pinagdidiriwang sa buwan ng Mayo bilang parangal kay Birhen Maria. Ang pagdirawang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalang nagsimula noong 1854 nang mga Vatican ay nag-proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception.

SANTACRUZAN

-Ang Santacruzan ay itinuturing na isa sa pinakakilalang pangrelihiyon pagdiriwang sa Kultura ng mga Pilipino at pinakatangyag na tradisyon noon hanggang ngayon. Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa upang gunitain ang Santacruzan.

PANUNULUYAN

-Ang panunulúyan ay tradisyonal na dula sa bisperas ng Pasko hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban. Mula ito sa kulturang Espanyol, partikular mula sa bansang Mexico, na posadas. Isang tradisyon ng pagdiriwang sa ginawang paghahanap ng mag-asawa ng posada o taberna na matutuluyan.

SALUBONG

-Ang salubong ang pagtatanghal o ritwal tuwing bukang-liwayway ng Linggo ng Pagkabuhay na nagtatampok sa pagtatagpo ng imahen ni Kristo at ni Birhen Maria.

CARIÑOSA

-Ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa ay “mapagmahal o magiliw”.Ang sikat na sayaw na ito ay nanggaling sa Espanya. Nagsimula ang sayaw na Cariñosa sa Isla ng Panay at ipinakilala ng mga Espanyol noong kanilang kapanahunan at kolonisasyon sa Pilipinas. Ang panyo at abaniko ang syang pangunahing elemento ng sayaw kung saan ang lalake at babaeng mananayaw ay nasa sitwasyon ng pagliligawan o nasa romantikong eksena at kanilang itinitago ang nararamdaman sa pamamagitang ng panyo at abaniko.

Explanation:

hope it helps

Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa pinakabagong mga sagot at impormasyon.