Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Sumulat ng Limang pangungusap na may sanhi at bunga​

Sagot :

Answer:

1. Mataas ang aking marka sa pagsusulit dahil nag-aral akong mabuti.

2. Ako ay nahuli sa klase sapagkat tanghali na akong nagising.

3. Natuwa ako sa kanya dahil tinulungan niya ako sa aking mga gawain.

4. Nasisira ang mga kabundukan dahil sa pagpuputol ng mga puno.

5. Kung saan-saan itinatapon ang mga basura kung kaya't nagbara ang estero.

Explanation:

1. Bunga: Mataas ang aking marka sa pagsusulit

Sanhi: nag-aral akong mabuti.

2. Bunga: ako ay nahuli sa klase

Sanhi: tanghali na akong nagising.

3. Bunga: natuwa ako sa kanya

Sanhi: tinulungan niya ako sa aking mga gawain.

4. Bunga: Nasisira ang mga kabundukan

Sanhi:pagpuputol ng mga puno.

5. Sanhi: Kung saan-saan itinatapon ang mga basura

Bunga: nagbara ang estero.

Sana makatulong po! ^●^