22. Ang pahayag sa ibabaw ay isang hamon sa atin kung paano ba magmahal. Ano ang pinakaunang hakbang upang magmahal nang tunay sa kapuwa?
A. Ibigin ang Diyos ng buong isip, puso at kaluluwa, saka lamang mauunawaan ang tunay na magmahal sa kapuwa.
B. Pagsusumikapan na paglingkuran ang kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng buong oras at lakas.
C. Ibubuklod ang mga ugnayan at panatilihing buo ito anuman ang kahihinatnan basta sama-sama.
D. Magdarasal araw-araw at mag-aayuno.
23. “Ang nagsabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling.” Ang pahayag ay_______________.
A. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.
B. Mali, dahil naipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.
C. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
D.Tama, dahil maipapakita ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa.
24. Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay isang paraan upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos. Ang pahayag na ito ay?
A. Mali, magkakaroon lamang ng ugnayan ang tao sa Diyos kapag ipinapahayag ito ng Diyos sa kaniya.
B. Mali, ang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay ipinahihintulot lamang ng Diyos sa mga taong mabubuti.
C. Tama, katulad ng taong nais makilala nang lubos ang taong kaniyang minamahal, inaalam niya ang lahat ng impormasyon tungkol dito.
D. Tama, ikinalulugod ng Diyos kung tayo ay magbabasa ng Bibliya o Koran.
25. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya at ugnayan sa Diyos ay ang mga sumusunod maliban sa:
A. Pananalangin sa Diyos
B. Panahon ng pananahimik o pagninilay
C. Pagsisimba kasama ang kapuwa
D. Pagmamahal o paglilingkod sa kapuwa
26. Ang sumusunod ay mahahalagang aral ng pananampalataya maliban sa:
A. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
B. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
C. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay.
D. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.