Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

sino sino ang mga tauhan sa minsang naligaw si adrian. at ilarawan ang mga tauhan bawat isa..

Sagot :

Mga Tauhan Sa Minsang Naligaw si Adrian

Adrian

  • bunso sa tatlong mga anak ng mag-asawang may kaya sa buhay
  • nagtapos ng kursong doktor (https://brainly.ph/question/2318961) at nakapagtrabaho sa malaking ospital
  • bahay-ospital-bahay-ospital ang laging takbo ng buhay
  • isang maalagain na anak
  • marunong tumanaw ng utang na loob  (https://brainly.ph/question/590815)
  • mapagmahal sa mga magulang
  • minsang naligaw ngunit nagising at nagbago

Ama ni Adrian

  • may sakit
  • balak iligaw ni Adrian sa kagubatan

Mga kapatid ni Adrian

  • nagtapos pareho ng kursong abogasya
  • matapos pumasa at naging ganap na abogado ay nag-asawa
  • iniwan ang pamilya at nangibang-bansa
  • masasabing tumalikod sa responsibilidad sa mga magulang

Ina ni Adrian

  • namatay matapos ang dalawang taon mula ng pagiging isang ganap na doktor ni Adrian

Buod ng kwento

         Ang pamilya nila Adrian ay pamilya na may kaya sa buhay (https://brainly.ph/question/2158548). Nakapagtapos si Adrian at ang tatlong mga kapatid sa mga kursong kinuha. Ang mga kapatid ni Adrian ay nangibang bansa kaya naiwan si Adrian na nag-alaga sa kanyang ama matapos mamatay ang ina. Sa kagustuhan ni Adrian na matupad o makuha ang mga luho niya ay naisipan niyang iligaw ang kanyang ama sa kagubatan ngunit nagising si Adrian sa labis na pagmamahal ng kanyang ama sa kanya kaya hindi niya ito tinuloy.

Mga aral na mapupulot sa kwentong "Nang Minsang Maligaw Si Adrian"

1. Mahalin ang sariling mga magulang.

2. Huwag magpasilaw sa mga luho sa buhay.

3. Huwag ipagpalit ang mga magulang sa anumang bagay sa mundo.

4. Ang pagmamahal ng magulang ay tunay na walang katumbas.

5. Mag-aral ng mabuti.

#BetterWithBrainly