Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming Q&A platform at kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

mga ekspresyon nagpapahayag ng mga pananaw halimbawa ayon,batay,para,sang-ayon,sa/kay,ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko,ni/ng

Sagot :

Mga Ekspresyon na Nagpapahayag ng

Pananaw

May mga ekspresyon na ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw. Ito rin ay nagpapahiwatig ng pag - iiba o pagbabago ng paksa o pananaw. Ipinahihiwatig ng mga ekspresyong ito ang iniisip at sinasabi. Maging ang pinaniniwalaan ng isang tao. Ang mga ito ay kadalasan nakapaloob sa mga sanaysay.May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang

Mga Uri ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw:

1. ayon, batay, alinsunod, sang - ayon sa

Mga Halimbawa:

Alinsunod sa patakaran ng mga gobyerno,mayor, kagawad, kapitn bawal lumbas ang walang facemask.

Sang - ayon sa "Commission on education" ang pag - alis ng Filipino bilang asignatura ay nakasaad sa General Education Curriculum ng 2016.

2. sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng

Mga Halimbawa:

Sa paniniwala ko ang tunay na nagmamahal ay marunong magsakripisyo, makuntento, mag tiis.

Akala ng marami madali ang maghanap ng trabaho.

3. inaakala, pinaniniwalaan, iniisip

Mga Halimbawa:

Inaakala ng marami na ang pag tratrabaho abroad ay madali.

Pinaniniwalaan niyo lang ang mga sabi sabi ng ibang tao.

Iniisip ng iba kung sino ang kanilang bubutohin sa darating na eleksyon

4. sa ganang akin, sa tingin, akala, palagay ko

Mga Halimbawa:

Sa ganang akin dapat na dagdagan pa ng mga mamamayan ang pag - iingat lalo na ngayong may pandemic.

Sa tingin ko nasa tao ang tunay na pagkakaroon ng magandang kapaligiran.

Mga Uri ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Pangkalahatang Pananaw

1. sa isang banda, sa kabilang dako

Mga Halimbawa:

Sa isang banda, dapat maging responsable ang mga tao sa kanilang desisyon na pag pili kung sino ang bagong pangulo ng pilipinas.

Sa kabilang dako, dapat na ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagsubaybay sa mga lokal na pamahalaan

2. samantala

Halimbawa:

Samantala nasa tao mismo ang desisyon kung sino ang kanilang bubutohin sa darating na eleksiyon.

#https://brainly.ph/question/160647

#https://brainly.ph/question/269387

#https://brainly.ph/question/152769

#BRAINLYEVERYDAY

Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.