Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Panahon ng mga Sinaunang Tao:
Sa panahon ng mga sinaunang tao nakilala ang paleolitiko, neolitiko, at metal. Kapwa ang paleolotiko at neolitiko ay tumutukoy sa panahon ng bato. Tinawag ang mga itong panahon ng bato at metal sapagkat ang mga kasangkapan na karaniwang gamit ng tao sa kanilang araw – araw na pamumuhay ay yari dito. Tulad ng nabanggit, ang panahon ng mga sinaunang tao ay nahahati sa tatlong bahagi:
- Paleolitiko
- Neolitiko
- Metal
Paglalarawan:
Ang salitang paleotiko ay nagmula sa mga katagang Griyego na paleos at lithos na ang ibig sabihin ay matandang bato o lumang bato. Sa kasaysayan, ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang pagbabagong – anyo ng tao ay mas nakita o nabigyang – pansin. Ito ay nagsimula sa pagkakatuklas ng apoy na siya ring isa sa pinakamahalagang pangyayari sa panahong ito.
Ang salitang neolitiko ay nagmula sa mga katagang Griyego na neo at lithos na ang ibig sabihin ay bagong bato. Sa kasaysayan, ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang pagpapabago sa kabuhayan ng tao ay umabot sa mataas nitong antas. Ang mga pagbabagong ito ay bunsod ng pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya.
Mga Uri ng Pamumuhay:
Sa panahong neolitiko:
- Natutong gumamit ang mga tao ng makinarya upang paunlarin ang sektor ng agrikultura.
- Natuto na rin silang pakinabangan ang mga hayop na halos kasabay na nilang mamuhay.
- Mas naging magaling sila sa paggawa ng mga kasangkapang gawa sa bato at maging ang kanilang mga tirahan ay naging mas malaki at mas matibay.
- Sapagkat natutunan nila ang paggamit ng apoy, mas nagkaroon sila ng pagkakataon na gamitin ito sa pagluluto ng kanilang mga makakain at mga produktong maaari nilang ipagpalit sa iba.
- Maraming halamang ligaw ang natutunan nilang kainin at madalas ay ginagalugad nila ang kagubatan, kapatagan at minsan ang mga matutubig na lugar.
- Sapagkat ang mga kalalakihan ang nangangaso kaya ipinapalagay ng ilang eksperto na mga babae ang mga unang naging magsasaka.
- Natuto na rin ang mga taong tumira at manahanan sa isang pamayanan. Hinihinuha na dito na rin nabuo ang konsepto ng pamilya at tahanan.
- Nagiimbak na rin sila ng mga pagkain, gumagawa ng mga palayok upang lagayan ng mga tubig at imbakan ng mga binhing itatanim sa susunod na taniman at imbakan na rin ng kanilang mga pagkain.
- Sa panahong ito rin nagsimula ang konsepto ng pagmamay-ari ng mga ari-arian, at dahil dito ay nagsimula na rin ang sistemang antas panlipunan.
Sa panahong metal:
- Natutunan ng tao ang paggamit ng mga iba’t ibang uri ng metal sa paggawa ng mga kasangkapang tulad ng espada, kutsilyo, martilyo, palakol, pana, at sibat.
- Maging ang mahahalagang kagamitan ng mga pinuno na tulad ng kalasag at balaraw ay gawa sa tanso at bakal. Sa katunayan, ang tanso ang pinakaunang metal na inihalo sa buhangin ng Tigris upang makawa ng ilang kasangkapan.
- Bukod ditto, ang tanso ay mas matigas kaysa sag into kaya ito ay naibabaluktot o naihuhulma ng ayon sa hugis ng kasangkapang ginagawa tulad ng gamit sa kusina at mga palamuti at alahas.
Panahong Paleolitiko: https://brainly.ph/question/77609
Panahong Neolitiko: https://brainly.ph/question/48788
Panahong Metal: https://brainly.ph/question/1891719
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.