Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.
Sagot :
Ang lipunan ay umiiral dahil sa mamamayan nito. Naitatatag ang isang lipunan upang umiral din mismo ang mamamayan nito. Makakamit lamang ang tagumpay nito kung kikilos ang bawat mamamayan nito sa iisang layunin.
Lipunan
Ang lipunan ay binubuo ng magkakaibang tao ayon sa kalagayan, edad at iba pa pero pinagsasama-sama dahil iisang interes o motibo. Binubuo ito ng indibiduwal, pamilya, sektor sa pribado at gobyerno. Ang bawat pangangailangan nito naibibigay ng iba pang sekto ng lipunan. Nakikinabang ang bawat isa sa pangangailangan ng iba.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa kayarian ng pamilya at kahalagahan nito sa lipunan, basahin ang https://brainly.ph/question/150491.
Basahin ang ilang halimbawa ng lipunan sa https://brainly.ph/question/1516290.
Upang magpatuloy na umiral ang lipunan, kailangan niya ng pangunahing mga elemento:
- Mamamayan
- Batas at Pamahalaan
- Edukasyon at Moralidad
- Pinansiyal at iba pang mga ahensiya
Bigyan natin ng ilang paliwanag ang bawat isa.
Mamamayan
Ang isang lipunan ay binubuo ng indibiduwal sa isang pamilya. Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Sila ang pangunahing kumikilos upang makabuo ng iba pang elemento. Naitatatag ng matibay ang lipunan dahil umiiral ang bawat mamamayan nito.
Taglay ng mamamayan ang kaisipan, etika at pagnanais na sumulong kung kaya ang lipunan ay umiiral.
Batas at Pamahalaan
Ito ang dahilan kung bakit nao-organisa ang kaayusan, programa, serbisyo para pangalagaan ang interes ng bawat kalagayan ng lipunan. Kailangang maging malinaw ang responsibilidad at karapatan, limitasyon at mga tuntunin.
Edukasyon at Moralidad
Nagiging mas mahusay at mataas ang kalidad ng buhay dahil sa kaalaman at karunungan. Nagkakaroon ng higit na antas ang pamumuhay dahil sa mga pagbabago, karera, inobasyon at propesyon. Kasabay nito, ang edukasyon sa moral at espirituwal ang nagbibigay sa mamamayan ng gabay sa pagpili.
Pinansiyal at iba pang mga ahensya
Ang pinansiyal ang isang mahalagang elemento upang gumana ang lahat ng plano, materyales at pagsustini. Ang iba pang ahensya ay higit na nabubuo habang lumalawak ang lipunan gaya ng:
- Siyensa Teknolohiya
- Medisina at Kalusugan
- Agrikultura at Industriya
Alamin ang kahulugan ng artipisyal na lipunan sa https://brainly.ph/question/2124561.
Kung Paano Makakamit ang Layunin ng Lipunan
Kailangan ng isang lipunan na may mamumuno at magpapasakop. Kailangan ng isang lipunan ng pangangailangan at pantustos. Kailangan ng kalakasan para sa kahinaan. Kailangan ng pagbabago para pag-unlad. Ito ay magagawa kung buo ang elemento ng lipunan.
Umaasa kami na nakatulong ang impormasyong ito. Huwag mag-atubiling bumalik anumang oras para sa higit pang mga sagot sa iyong mga tanong at alalahanin. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.