Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mga sagot na kailangan mo nang mabilis at eksakto mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.
Sagot :
Answer:
Pacific Ring of Fire
Ang Pacific Ring of Fire ay isang bahagi ng mundo na matatagpuan sa Karagatang Pasipiko kung saan mayroong halos 452 na bulkan at nagdudulot ng mga pagyanig sa lupa at sa ilalim ng karagatan. Ang Pacific Ring of Fire ay may sukat na 40,000 kilometro.
Ang bilang ng mga aktibong bulkan sa bahagi ng mundong ito ang nagbibigay dahilan kung bakit madalas ang pagyanig o paglindol sa mga bansang napaliligiran ng Ring of Fire. Tinatayang mahigit 90% ng mga lindol ay nagmumula sa bahagi ng mundong ito at 15% ng mga pinakamalakas na lindol na naitala sa kasaysayan at nagmumula dito. Ang ring of Fire ay bunga ng paggalaw ng mga tectonic plates na patuloy na nagbabanggaan at nagdudulot ng mga pagyanig at pagsabog ng mga bulkan.
Ilan sa mga bansang bahagi ng Pacific Ring of Fire
- Chile
- Japan
- Antarctica
- Russia
- Papa New Guinea
- Indonesia
- Canada
- Peru
- Taiwan
- Philippines
- Guatemala
Tatlong pangunahing bulkan na makikita sa Pacific Ring of Fire
- Mount St. Helens sa USA
- Mount Fuji sa Japan
- Mount Pinatubo sa Pilipinas
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:
Paglalarawan sa Pacific Ring of Fire
https://brainly.ph/question/681587
Bakit may Pacific Ring of Fire
https://brainly.ph/question/188294
Bansang kasama sa Pacific Ring of Fire
https://brainly.ph/question/677121
Umaasa kami na nakatulong ang impormasyong ito. Huwag mag-atubiling bumalik anumang oras para sa higit pang mga sagot sa iyong mga tanong at alalahanin. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.