Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.
Sagot :
Answer:
Mga patunay na ang pamilya ay likas na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan at pagsasabuhay ng pananampalataya
- Ang isang pamilya ay sinasabing institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan pagsasabuhay ng pananampalataya na nagpapaunlad ng pagkatao dahil ito ang sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ito ang nagsilbing unang paaralan kung saan ang isang bata ay tumatanggap ng mga pangunahing halaga ng buhay tulad ng walang hanggang pagmamahal.
- Ang tanging nag-uugnay sa pamilya ay ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa. Ang isang pamilya ay pinagbubuklod ng pagmamahalan para sa isa't isa, at sa kahit anuman ang pagsubok na dumarating sa kanila nanatili pa ring magkakasama, nagtutulungan upang malampasan ang lahat ng mga problema.
- Kaya kahit magkalayo man, magkakaugnay pa rin ang kanilang buhay kahit, nanatiling iisa at buo at yun ay dahil sa pag-ibig at pagmamahalan na mayroon ang bawat isa at ito ang nagiging dahilan para maging matatag at maging matibay ang kanilang samahan.
- Sa pamilya rin napapaunlad ang pananampalataya ng bawat isa lalo na sa panahon na sinusubok ng mga pagsubok at problema.
Ang ating pamilya ang isa sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng tao sa buhay ng bawat isa. Sila ang pinakamagandang regalo ng Panginoon sa atin. Dito rin nagmumula ang pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa. Ang ating pamilya rin ang nagbubuklod sa bawat isa, sama-samang lumalaban sa kahit na anong pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa kaya napakahalaga ng ginagampanan ng ating pamilya sa ating buhay.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na:
Kahalagahan ng pamilya sa ating buhay: brainly.ph/question/633076
#LetsStudy
Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.