Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.
Sagot :
Ang pamilya ang sinasabing pinakamaliit na yunit ng lipunan. Mahalaga ang pamilya para sa isang indibiduwal at sa lipunan. Sa papaanong paraan? May dalawang dahilan?
- Ang pamilya ang pagmumulan ng pagkakakilanlan ng isang indibiduwal.
- Ang pamilya ang pundasyon ng isang matatag na lipunan.
Pamilya
Binubuo ang pamilya ng hindi bababa sa dalawang indibiduwal upang makabuo ng isang pamilya. Sa simpleng bilang ng isang pamilya na monogamya, ito ay kinabibilangan ng:
- isang lalaki na tatayong asawang lalaki at/o ama
- isang babae na tatayong asawang babae at/o ina,
- isa o higit pang mga anak.
Ang higit na kahulugan ng pamilya ay mababasa sa https://brainly.ph/question/608881.
Sa modernong panahon, hindi lamang sa biyolohiko tinitingnan ang kahulugan ng isang pamilya. Maaari ng gampanan ng kapuwa lalaki o kapuwa babae ang tungkulin ng isang ama o ina. Ang ilan naman ay mayroong mga inampong anak. May kasamang lolo, lola o kamag-anak.
Sa ilang kultura, poligamya ang pag-aasawa o ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa. Malaki ang ganitong pamilya kumpara sa monogamya o pag-aasawa ng isa lamang.
Ang pamilya ang pagmumulan ng pagkakakilanlan ng isang indibiduwal
Ang indibiduwal ay mabubuo lamang sa pamamagitan ng isang ama at isang ina. Ngunit ang pagkatao niya ay mabubuo lamang kung may kikilalanin siyang pamilya. Kaya ang isang indibiduwal na napalaki sa isang buo at malusog na pamilya ay kadalasan ng nagiging responsableng adulto at mas malaki ang tsansa na ang kaniyang bubuuing karera at sariling pamilya ay isa ding buo at malusog na pamilya.
Ang isang dahilan dito ay dahil ang kaniyang kinalakhang pamilya ay may malaking impluwensya s kaniyang mismong pagkatao, pananaw o personalidad.
Ito din ay totoo sa isang indibiduwal na lumaki sa isang wasak na pamilya. Lalaki ang isa na walang tiwala sa sarili at sa iba. Makikita ito sa hindi matatag na mga desisyon o layunin ng kaniyang buhay. Makikita ang galit o rebelyon pa nga. Ang masaklap pa dito, bubuo din siya ng bagong pamilya sa ganoon ding pamamaraan. Mababago lamang ito kung siya ay magkakaroon ng pagbabago sa kaniyang pamumuhay.
Ang pamilya ang pundasyon ng isang matatag na lipunan.
Kung ang mga pamilya na bubuo sa isang lipunan ay matatag, magiging matatag din ang lipunan. Bakit? Ito ay dahil taglay ng pamilya ang malakas na prinsipyo sa buhay, mayamang kultura, talino at iba pang mahahalagang katangian na kailangan ng isang lipunan upang mapatakbo ng bawat ahensya nito.
Kuning halimbawa ang pamilyang pinagmulan ng bansang Hapon at Tsina. Kilala sila sa pagiging buo at may matatag na prinsipyo pagdating sa pamilya. Kung kaya makikita sa kanilang ekonomiya ang mga prinsipyong iyon kaya napapaunlad nila ang bansa ayon sa sikreto ng kanilang kultura.
Ito din ay totoo sa mga lipunang may kultura ng pamilya ng pagkakapootan. Maraming bansa na mayroong galit sa ibang mga bansa kahit lumipas na ang mga nakaraang responsableng henerasyon sa tensyon. Hindi ba't ito pa din ang kanilang motibo sa pagpapaunlad ng kanilang lipunan.
Basahin ang higit na kahalagahan ng pamilya sa link na ito: https://brainly.ph/question/136988.
Basahin ang higit na impormasyon tungkol sa obligasyon ng pamilya sa link na ito: https://brainly.ph/question/2147698.
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Layunin naming magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami para sa higit pang mga kaalaman. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa mga kasagutan sa inyong mga tanong.