ahdee
Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga eksperto sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

iba't ibang bahagi ng pangkasarian ng babae at lalaki

Sagot :

cosmox
Mahalaga na malaman ng isang Babae at Lalaki ang mga bahagi ng kanyang kasarian. Ito ay makakatulong sa kaalaman at pag-unawa sa mga pagbabagong nagaganap sa sarili.

BAHAGING PANGKASARIAN NG BABAE

1. Bahay-bata o uterus - hungkag at higis-peras na nasa gawing ibaba ng puson. Ito ay kasinlaki ng kamao na ang haba ay tatlong pulgada at ang lapad ay dalawang pulgada. Ito ay tinatawag na matris.

2. Obaryo o ovary - matatagpuan sa magkabilang panig ng matris. Ito ang gumagawa at nagtataglay ng mga itlog o ova na isa-isang nahihinog at lumalabas sa obaryo minsan sa isang buwan

3. Anurang-itlog o fallopian tube - dalawang tubo na hugis sungay na nagsisilbing daanan ng itlog na galing sa obaryo patungong bahay-bata.

4. Kaluban - isang kalamnang tubo na ang haba ay mula apat hanggang anim na pulgada mula sa panlabas na bahagi ng ari hanggang sa liig-liigan ng bahay-bata. Ito rin ang daanan ng sanggol sa panganganak.

BAHAGING PANGKASARIAN NG LALAKI

1. Testes - dalawang glandulang gumagawa ng sihay-punlay.

2. Epididymis - lugar kung saan naiipon ang mga punla habang nasa loob ng katawan; matatagpuan ito sa likod ng testes.

3. Anurang-punlay - isang tubong may 18 pulgada ang haba at nakadikit sa dulo ng epididymis; ito ang dinadaanan ng semilya.
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.