Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Plato:
Si Plato ay isang paganong pilosopong Griyego na ipinanganak sa isang maharlika at may mataas na pinag-aralan na pamilya sa Atenas. Malaki ang naging impluwensiya sa kaniya ng mga kilaláng pilosopo na sina Socrates at Pythagoras. Naglakbay at sumali sa pulitika sa Siracusa sa lungsod ng Sicilia. Nagtayo rin siya ng akademiya sa Atenas na siyang nagging pinaka unang unibersidad sa buong Europa na sentro ng pananaliksik sa Matematika at Pilosopiya. Kapalit nito, si Plato ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa relihiyosong paniniwala sa malaking bahagi ng Kristiyano. Sang – ayon sa kanya, ang kaluluwa ng tao ay imortal na mananatiling buhay kahit na mamatay ang katawan.
Mga Kontribusyon sa Paggawa ng Sanaysay:
- Iminulat ni Plato ang tao sa pagsasabing ang mga ideya ng mga bagay ay nasa utak na natin noong tayo ay ipinanganak.
- Binuksan ni Plato ang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo o ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.
- Ipinakilala niya ang dalawang uri ng sanaysay: pormal at di – pormal.
Iminulat ni Plato ang tao sa pagsasabing ang mga ideya ng mga bagay ay nasa utak na natin noong tayo ay ipinanganak. Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag - iral ay nasa "mundo ng mga ideya." Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.
Binuksan ni Plato ang pinto sa pagtahal sa mundo ng rasyunalismo o ang patingin lampas sa realidad na ating nakikita. Kung pag - iisipang mabuti, ang aninong tinutukoy ni Plato ay hindi nangangahulugan na hindi totoo ang ating mga nakikita kundi may katotohanang mas makapagpapalaya sa atin na hindi makikita sa hugis. Halimbawa na lamng ay ang mga batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na tinutukoy ni Democritus. Samantalang ang materyal ay patuloy na mahiwaga sa atin. Palaisipan din ang pinagmulan ng "gravity" at mga "particle" na mas maliit sa quark ay hindi pa rin natutuklasan. Kung makukuntento tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag - unlad sa ating agham.
Ipinakilala ni Plato ang dalawang uri ng sanaysay: pormal at di - pormal. Ang sanaysay ni Plato na tungkol sa mga katiwalian o korupsyong nagaganap sa Gresya noon ay isang halimbawa ng di - pormal na sanaysay. Ito ay tinanggap ng mga mamamayan na bulag sa katotohanan na epekto ng kawalan ng edukasyon.
Dalawang Uri ng Sanaysay:
- pormal
- di - pormal
Ang sulating pormal ay nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.
Ang sulating di-pormal naman ay naglalaman ng mga opinyon ng manunulat.
Upang higit na makilala si Plato, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/1566767
https://brainly.ph/question/988108
https://brainly.ph/question/653957
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.