I. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang hakbang na tinutukoy ay tama at MALI kung hindi.
__________1. Punasan ang ilalim ng plantsa ng basang basahan bago ito painitin upang makasigurong wala itong kalawang o dumi na maaring dumikit sa damit.
__________2. Ilagay sa pinakamataas na temperatura ang control ng plantsa ayon sa uri ng dapat na paplantsahin.
__________3. Ihiwalay ang makakapal at maninipis na damit.
__________4. Ibukod din ang mga pantalon, palda, polo, kamiseta, blouse, at iba pang damit.
__________5. Padaganan nang ilang beses ang kabayo ng plantsa o plantsahan upang malaman kung sapat na ang init nito.
__________6. Magplantsa sa lugar na walang maaabala at maliwanag. Siguraduhin na wasto ang gagamiting mga saksakan kung gagamit ng plantsang de-kuryente.
__________7. Mamalantsa sa tanghali kung kailan malamig at mas maginhawa ang panahon upang makatipid sa kuryente.
__________8. Tiyaking tuyo ang kamay bago isaksak ang plug ng plantsa. Ituon ang buong atensiyon sa ginagawa upang maiwasang masunog ang damit.
__________9. Huwag iiwan ang pinaplantsa. Kung kailangang may gawing ibang bagay, tanggalin sa saksakan ang plantsa.
__________10. Mahalagang sundin ang mga hakbang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi. Maging maingat sa lahat ng oras upang makaiwas sa sakuna.